Chapter 1

769 39 0
                                    

Napapikit ako sa inis ng biglang umulan ng malakas. Saktong kakalabas ko lang sa trabaho. Wala akong dalang payong ni jacket wala. Hindi pa naman December bakit naulan?

I angrily wiped the wet part of my body. I detest the rain so much, it makes me think of the things I don't want to recall anymore.

Tumambay muna ako sa may waiting shed para magpatila. Inihilig ko ang bisekleta na dala ko sa gilid ng shed. The wind is too strong. Nililipad ang buhok ko. Pilit ko namang binabalik sa pagkakaayos at dahil kulot iyon hindi sumusunod. Nakakainis talaga!

I felt tired and worn out. I want to go home and sleep. Halos ilang araw na akong walang tulog sa kakatrabaho. Bukas na ang umpisa ng pasukan. I need some energy. 

I hugged myself to ease the coldness. I even rubbed my palms pero walang talab. Sobrang lamig talaga. Halos kalahating oras ang lumipas bago tumila. I breathed heavily. Sa wakas!

Sumakay na ako sa bike at umusad na pauwi. Antok na antok na talaga ako gusto ko na talagang humilata at matulog. Ang mabining hangin ay humahaplos sa mukha ko na mas lalong nagpa-antok sa akin.

Pag-uwi ko, tulog na ang mga tao sa bahay. Hindi naman masyadong malaki ang bahay na nabili ni Tita Eden. Meron itong tatlong kwarto na magkakatabi lang. Meron lang pader na nakaharang bilang divider sa sala at sa kusina kung saan ang kainan at lutuan. Pumasok na ako sa kwarto. Kahit Hindi maganda ang trato sakin nila Tita Eden, binigyan pa din nila ako ng kwarto. Maliit man iyon, but it's enough for me.

I washed my face to remove my make-up. Ayaw kong mag make-up pero required sa trabaho. Waitress ako sa isang restobar, 7 pm hanggang ala-una ang pasok ko. Pag umaga naman cashier ako sa isang convenience store pero nag-resign na ako last week. Ngayong isa na lang ang trabaho ko. Hindi ko alam kong kaya pa ba ng sahod ko ang bayarin sa school at sa bahay. \

I sighed. Nakakapagod mag-isip!

Naglatag na ako ng banig. Mabilis naman akong nakatulog.

Saktong ala-sais ng magising ako. I looked at the window. The sun rises too early. My skin was feeling a small burn coming from the sun's rays. Humikab ako. Magluluto pa ako ng agahan kaya bumangon na ako. Halos hilahin pa ako ng higaan dahil sa sobrang antok. 

Naghilamos na muna ako bago pumunta ng kusina. Wala namang laman ang ref kung hindi itlog, kaya ayon na lang ang niluto ko. Sinangag ko na din ang natirang kanin kagabi. 

Inaayos ko na ang hapagkainan. Papungas-pungas na pumasok si Tito Rodel. Ang asawa ni Tita Eden.

"Buti naman nakapaghain ka na. Aba'y kahapon kinalimutan mo!" napapitlag ako ng bigla syang sumigaw at padabog na umupo sa silya. I gripped the plate tightly. Yumuko na lang ako at hindi na nagsalita.

Pagod na pagod ako kagabi. Pinag-overtime kami dahil may nag-celebrate ng birthday,  Sulit naman kasi may dagdag bayad. Galit na galit si Tita Eden. Papaano daw sila papasok sa trabaho kung hindi sila kumain ng agahan. Kahit gusto kong sumagot pinili ko na lang na manahimik. Mas mapapasama ako kung sasagot pa ako. 

Sa bahay na ito sampid lang ako kaya wala akong karapatang mag-reklamo. Matagal ko ng gustong umalis pero naisip kong mas mahirap mamuhay mag isa.  I still consider them as my family, kahit ganito sila. Kaya ko pa naman mag-tiis.

Dahil ayaw kong sumabay kay Tito kumain, naligo na lang ako. I screamed when the water touches my skin. Ang lamig!

Nahirapan pa nga akong maghanap ng damit dahil halos lahat luma na. I can't even buy a decent clothes to wear. My salary is just enough to pay for the bills, ako din ang nagbabayad ng tubig at kuryente, pati sa pagkain nag-aambag pa din ako.

The Gaps Between Us - La Croix Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon