Chapter 19

94 5 0
                                    

Nahihilo ako, nasusuka at naiiyak, pati katawan ko ay tila namanhid.  Halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. I thought if he denied me in front of everybody, my heart would be at ease, but instead, my heart hurt, hindi din ako makahinga ng maayos at patuloy lang sa paghinga ng malalim.

Hindi ko gustong malaman ng Mama nya na kami na, hindi din gusto ng puso kong itanggi ako ng ganoon. Gusto ko din na ipagsigawan nya ako, gusko kong ipagmalaki nya ako, pero ayaw ko din dahil ayaw ko pang makaharap ang Mama nya. Ano ba talaga? My heart is having whirlpool inside. Halo halo, hindi ko na din maintindihan.

 Diba ginusto ko 'to? Ako ang umiling ng mabilis. Kahit gustong ipagsigawan ni Duke na kami na. Ako ang umayaw. 

Tama lang, Asha. Tama lang ang ginawa nya.

The people around gasps loudly. I also heard their not to loud whispers na tila pinaparinig talaga sa akin. Namataan ko pa ang pagtayo ni Kier sa upuan at ang pagmamadali nyang paghabol kay Duke na kakababa lang ng stage.

"Shit, Asha si Kier!" Rella in her panicked voice. 

"Putang-inang 'yan." Dine pulled me hardly. Halos itulak nya na din ang mga tao para makadaan kami.

"Tabi. Sabing tabi!" patuloy pa rin si Dine sa paghila sa akin, at dahil sobrang nanghihina ako ay nagpatiunod lang ako.

Si Milton ay nanatili sa stage habang sumasagot sa katanungan. His Mother is currently eyeing the place where Duke gets inside. I lowered my head when her eyes diverted to me.

May binuksang pintuan si Dine. Napahiyaw ako ng biglang sinuntok ni Kier si Duke ng malakas.

"Shit." agad namang pumigil si Dine.

"Anong klase kang lalaki? Huh!" galit na galit na sigaw ni Kier. Duke didn't respond. He just stare at him blankly. He transferred his gaze at me. Akmang lalapit sya ng humarang ulit si Kier at sinuntok sya ulit. Napaatras lang sya ng kunti at muling binaling ang tingin sa akin at pilit pa ding lumapit. His eyes were filled with coldness that made my body shiver.

Napaiyak ako ng malakas ng makita ang pagdurugo ng mukha ni Duke. Hindi pa din sya gumanti at nanatili ang tingin sa akin.

Humarang ulit si Kier.

"Gusto ko lang syang makausap. Kaya tumabi ka, Anave." Duke said calmly but I can feel the rage that made me shiver. 

Lumapit na ako. "Kier, tama na mag-uusap lang kami." mahina at naiiyak kong sabi. Naiintindihan ko ang reaksyon ni Kier dahil wala syang alam sa sitwasyon naming dalawa.

Duke wipes the blood from his mouth. Akmang hahawak sya sa braso ko ng hinila ako ni Kier at halos nakayakap na sya sa akin.

Duke looked at Kier darkly, dangerously. "Let go of her." his voice roars angrily.

"Please" humiwalay ako kay Kier. Dahil parang masusunog na ako sa tingin ni Duke. Ayaw ko ng gulo, ayaw ko silang madamay. Lalo na at ang gulo-gulo na ng relasyon namin.

"Ikekwento ko sainyo mamaya ang lahat. Kung bakit ganoon, hmm? Kailangan lang naming mag-usap ngayon." pilit kong paintindi sa kanila. Kasalanan ko dahil hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanila ang sitwasyon namin ni Duke.

I understand the way they reacted and I felt genuinely happy and grateful for that. They are concern to me, at bilang lang sa kamay ko ang nagpapakita ng ganoon sa akin. Kaya ako na pati sila ay magkagulo pa.

Kier gave Duke a sharp gaze. He held my arm again and pulled me softly. 

Narinig ko sa gilid ko ang napakalalim na hinga ni Duke.

The Gaps Between Us - La Croix Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon