Chapter 16

131 13 0
                                    

Hindi ko alam kung papaano ako naka-uwi ng araw na 'yon. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakaupo tulala habang naririnig si Tita na umiiyak habang yakap yakap ang kabaong ni Lolo. 

Nakapagbigay ng tulong pinansyal ang munisipyo pero dahil kulang ang budget ay isang kabaong lang ang nabili at para lang kay Lolo 'yon. Habang ginawan nalang nila Kuya Jaime ng kabaong na kahoy si Mama. 

Narinig ko lang na nagtulong tulong sila para makabili ng materyales. Hindi kasi ni Tita iniintindi si Mama.

Dahil hindi na din kaya ni Tita ang ilang araw na lamay at wala na din kaming pera para doon. Napagdesisyunan nyang ilibing na din sa araw na 'yon sila Lolo.

Ginanap ang misa sa bahay na lang din mismo. Nakiusap lang si Tita na ganapin ang misa sa bahay. Dahil kaming dalawa lang naman ang dadalo at ibang kapitbahay. 

Kahit nag-uumpisa na ang misa at hanggang matapos. Tahimik lang ako at tulala habang tinitingnan ang dalawang kabaong sa harap ko. Laman 'non ang dalawang taong mahal na mahal ko.

Hinayaan ko na kusang tumulo ulit ang luha sa mata ko. Humikbi ng malakas at hayaang lunurin ang sarili sa luha para maibsan ang sakit at bigat na nararamdaman ko. 

Alam kong napakalaki ng kasalanan ni Mama..... Alam kong walang kapatawaran 'yon... Nanira sya ng isang pamilya.... Pero Mama ko pa rin sya... Kahit hindi kami mayaman at wala halos pera ay hindi sya nagkulang sa pagmamahal at pag-aalaga sa 'kin.

Binigay nya sa paraang alam nya ang nararapat na alaga at pagmamahal para sa 'kin. 

Kung alam ko lang na ang huling ngiti na makikita ko sa mukha nya ay ang ngiting ginawad nya sa 'kin bago magsara ang pinto ng kwarto namin..... Sana ay hindi na ako umalis ng bahay at nanatili na lang doon.,, Sana hindi ko sya iniwanan ng mga oras na 'yon. Lalo na at 'yon ang oras na kailangang kailangan nya ako.

Siguro pagod na pagod na talaga sya.... at gusto nya na talagang magpahinga..... 

Yumuko si Aling Kel sa 'kin habang masuyong pinupunsan ang luha sa mata ko. Hindi ako lumapit sa lugar kong saan ilalagay na ang mga kabaong upang ilibing. Nandito lang ako sa likod, malayo at umiiyak.

"Lapitan mo na ang Mama mo, Anak. Kahit man lang silipin mo, huli na din naman... hmm?"

Dahil wala akong lakas ay nagpahila ako sa kanya. Una kong nilapitan si Lolo. 

"Daya mo po, sabi mo po sa graduation ko, Ikaw ang maglalakad kasama ko." niyakap ko ang kabaong. Ilang luha ulit ang tuloy-tuloy na tumulo sa mata ko.

Sobrang hirap magpaalam lalo na kung ang mga taong lilisan ay nagbigay ng mga magandang alaala. 

Mahina ang ginawa kong paglalakad palapit kay Mama. Pinikit ko ang mata ko at kahit alam kong napakaimpossible ng dasal ko ay hiniling ko pa din. Dalangin ko na sana ay tumigil ang oras upang magtagal ko pang makita ang mukha nila o sana bumalik na lang ang mga oras na magkakasama pa kaming lahat at masaya.

Napahikbi ako ng makita ang mukha ni Mama. Napakaaliwalas ng mukha nya habang nakahiga. Ngayon ko lang ulit nakita ang mukha nyang maliwanag na walang bakas ng pagod at kalungkutan.

"Ang saya siguro kung nasaan ka man po, Mama... Ang ganda nyo po ngayon..." hinaplos ko ang mukha ng marahan. Napaiyak ako lalo ng maramdaman ang sobrang lamig nyang balat. Hinding hindi ko na mararamdaman pa ulit ang init ng yakap ni Mama... Hindi na kailanman ulit.

"Pahinga ka na po... " huling bulong ko bago ko sya nilagyan ng pulang bulaklak ang tenga nya. 

Paalam, Ma,,, Mahal kita higit sa lahat.....

The Gaps Between Us - La Croix Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon