Chapter 15

151 14 0
                                    

Warning: Suicide

10 years ago

"Ano ba, Rina. Hindi mo ba lulubayan 'yang lalaki na 'yan?" napatigil ako sa pagpasok sa narinig kay Tita Eden.

"M-mahal ko sya, Ate."

"Putang-inang pagmamahal na 'yan. Hindi ka mapapakain nyan.Hindi ka na nadala doon sa una mong inibig! Tingnan mo namatay na lamang na hindi man lang nagsustento."

Sumilip ako ng bahagya. Nakatayo si Tita Eden habang nakaupo si Mama na umiiyak.

"Pumatol ka pa talaga sa may-asawa! Kabit ka, Rina. Kabit!"

Napasinghap ako. Si Mama......... Kabit? 

Kahit Dose palang ako alam ko ang ibig sabihin ng kabit. Bukambibig iyan ng ilan kong kaklase.

"At ano magpapabuntis ka na naman! Ano ba naman yan Rina, mag-isip ka naman!" narinig ko pa ang tila pagsara ng pinto bago nawala ang tinig ni Tita.

Sumilip ulit ako. Nakatakip ang dalawang kamay ni Mama sa mukha nya habang gumagalaw ang balikat.  Bigla akong nalungkot. Ayaw ko talagang umiiyak si Mama. Pero sana hindi totoo na kabit si Mama.... Masasaktan lang sya sa ganoon.

Imbis na pumasok ay lumabas na lang ako at dumiretso sa tindahan ni Aling Kel. Namili ako sa biscuit na nandoon. 

"Yung anak ni Rina yan, diba?" napatigil ako sa pagbibilang ng barya ko sa narinig sa likod ko.

"Iyong Rina na laging hinahatid ng nakamamahaling kotse?"

"Oo... May nakakita pa nga na naghotel ang dalawa. Grabeng landi" naramdaman ko na lumapit sila sa akin kaya napayuko ako.

"Neng, Anak ka ni Rina diba?" imbis na sumagot ay dali dali akong nagbayad at umalis ng hindi lumingon pa.

Napadpad ako sa parke malapit samin. Umupo ako sa duyan at tahimik na umiyak. Hindi ganoon si Mama. Hindi totoo sinasabi nila! Hindi magagawa ni Mama 'yon. Napatingin ako sa langit habang taimtim na nagdarasal na sana hindi totoo ang lahat.

Nang mahimasmasan na ako ay umalis na din ako kaagad at umuwi. Kumpara kanina tahimik lang si Tita at Mama sa hapagkainan.

Napatigil ako sa pagsagot ng takdang aralin ng marinig si Mama na kumakanta habang naggigitara. 

"I walked across an empty land I knew the pathway like the back of my hand, felt the earth beneath my feet by the river, and it made me complete. Oh, simple thing, where have you gone? I'm getting old, and I need something to rely on. So tell me when you're gonna let me in. I'm getting tired, and I need somewhere to begin"

Iba ang kanta ngayon ni Mama. Punong puno iyon ng kalungkutan. Umiiyak din sya. Marahil totoo nga.. Nagmahal si Mama ng lalaking may asawa...Ang alam ko kasi kapag nagmahal ka. Masaya at maligaya.. Taliwas iyon sa nakikita ko ngayon sa kanya. Para syang basong walang laman, parang taong walang buhay,

Pumasok na ako sa loob at nag-ayos na para matulog. Kahit inaantok na ako ay hindi pa rin ako makatulog. Paulit-ulit na naalala ko ang mga nangyari kanina. Pasado alas-onse na siguro ng pumasok si Mama sa kwarto.

The Gaps Between Us - La Croix Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon