Hindi ko inaakalang magkikita uli kami ni Enoch. What's more surprising is, siya ang nag-aya saakin na kumain kami sa labas. This is not mom's doing.
Kinatok ko ang bintana ng kanyang kotse. I wasn't going to say yes to him. Siya ang tumawag bigla. Nag-aya, tapos sinabihan akong nasa parkingan na 'raw siya ng school namin kaya hindi na ako pwedeng tumanggi.
I thought we already talked about not doing this again?
Did he have a change of heart? Bigla ba siyang nagandahan saakin? Did that dinner date of ours make him realize he likes me?
I understand I am a very charismatic young lady but I really don't want to break his heart. He's a little bit good pa naman. Masungit. But he's okay.
Narinig ko ang click ng kanyang pintuan, meaning he already opened the door. Binuksan ko ito at pumasok.
Enoch is propping his head on his hand, elbow placed on the car's window when I entered his car. Mukha siyang bored, honestly. For someone who asked me out on a date, he surely isn't someone who looks like he's happy he's having a date.
"Jinojoke time—-"
He cuts me off. "This is not my idea"
One sentence.
It only took one sentence for him to offend me to the core.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "What?"
This is not his idea?
Binuksan niya ang makina ng kanyang kotse, "Mom insisted I take you out for lunch"
"Your mom?!"
"Isarado mo bibig mo kanina kapa naka nga-nga dyan" Tumingin siya sa likod at nag backing. "Gulat na gulat?"
Sinapak ko siya. Kasi naiinis na talaga ako. He's not explaining it very well!
"Anong nanay mo?"
Ginalaw niya muna ang gear stick ng sasakyan bago niya ako sagutin, "You heard me"
"And you didn't say no because?"
"She's my mom" simpleng sagot niya pero sa simpleng sagot na iyon ay naitindihan ko na kaagad kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.
So we are the same in that aspect of our lives.
Humalukipkip ako at sumandal sa upuan ng padabog. "Nagsinungaling ka na lang sana. Hindi mo kailangan gawin talaga ito. You could've just told her we had lunch together kahit naman hindi"
"Nanghihingi ng picture yon"
I click my tongue. She's just like my mom. "I'm craving sushi right now"
"Ako manok"
"You can eat chicken teriyaki"
"Gusto ko Korean chicken"
I mean, wow? Okay? Akala ko ba ako ang inaya dito? At siya ang nag-aya?
I gave him a hard look. Sana naman maramdaman niya ang tingin ko sakanya para aware siyang hindi ako natutuwa. "Are you being serious right now?"
"Mukha ba 'kong nagbibiro?"
"Let's eat sushi na lang kasi!"
Pumanget ang ekspresyon sakanyang mukha.
Kaunting tulak pa ang ginawa ko sakanya para mapapayag ko siya sa gusto ko. Mukhang napilitan pa siya. Napilitan naman talaga. But he needs to adjust no! Siya na nga nanggulo sa tahimik kong araw.
May alam siyang kainan ng sushi kaya 'roon kami pumunta. I even told him na may klase pa ako after 2 hours so he needs to drive me back sa school pagkatapos namin kumain. Wala naman siyang say doon.