Prologue

15 3 0
                                    

"Elay!"

I was born on September 17, kung saan narinig ang una kong pag-iyak dito sa mundong ginagalawan. At sa araw na 'yon, nagsimulang dumating ang himala sa pamilya ko. Kaya dinagdagan ni Mama ang binigay na pangalan ni Papa sa akin na 'Elyjah' ng 'Miracle'.

Elyjah Miracle.

Kaya siguro nape-pressure rin ako sa pamilya ko na galingan sa lahat ng bagay. Masaya sila sa mga achievements na nakukuha ko simula no'ng bigyan nila ako ng edukasyon. Kaya natatakot akong ma-dissapoint sila sa akin.

Tumigil ako sa pagsusulat sa notebook at lumabas ng kwarto para babaan si Mama.

"Po?" Lumapit ako kay Mama na nagtutupi ng mga damit.

"Next next week ay lilipat na tayo sa Tita mo. May bakanteng bahay sa tabi nila," aniya at tumingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Po? Bakit po tayo lilipat? Pagkatapos ng 2 weeks agad?"

"Eh, ayoko na rito sa atin. Kay mahal maningil!" singhal ni Mama at napailing. "At saka, matagal na rin naman tayo rito at isa pa, masikip ang bahay. Kailangan naman natin ng malaki-laki kahit papaano."

"Paano po ako? Malayo po ang lugar nina Tita Cecil. Lalayo pa po ang school ko," sabi ko at naisip agad ang magiging biyahe ko makapasok lang.

"Ayon nga, naalala ko 'yon. Lilipat ka na lang ng school..." Tumingin sa akin si Mama at nginitian ako.

Alam ni Mama na paborito kong school ang Jensuit High School. Magandang benefits ang naibibigay nila sa mga estudyante. Isa pa, nandoon ang crush ko. Si President Alcamile.

"Pero, Ma..." may bahid ng pagtanggi sa boses ko. "Magse-second grading na po, bawal po yata na lumipat..."

"P'wede pa, Elyjah."

Muli akong umakyat sa kwarto pagkatapos. Nawalan na ako ng gana sa ginagawa ko at nahiga na lang sa kama.

Napaisip agad ako sa kung ano ang mangyayari sa akin kung lilipat ako. Kaya ko naman na mag-isa at kaya kong buhatin ang sariling bangko. Ang akin lang, hindi ko na makakasama ang mga kaibigan ko na kasama ko sa lahat ng bagay at napapag-usapan ang mga future namin.

Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa group chat namin. Maiingay na naman sila at may pinag-uusapan na isang tao.

Hindi na ako nag-backread na lagi kong ginagawa. Sa lahat naman ng group chats ay tahimik lang ako pero ngayon, gusto ko mag-chat.

Ako:
helloo, lilipat na kami ng house kaya lipat school din :((

Agad kong nakuha ang atensyon nila at nawala sa pinag-uusapa nila.

Faith:
Hala, teh. Bakit biglaan?

Arwin:
Anyari? Totoo ba 'yan?

Sinabi ko sa kanila ang napag-usapan namin ni Mama at lahat sila ay nalungkot. Sinabi pa ni Faith na kukumpirmahin niya iyon kay Mama.

Napabuntong-hininga ako.

Lahat kami nalungkot sa biglaang paglipat ko ng school. Naiiyak ako kasi lahat sila ay naging kaklase ko sa bawat school year kaya halos magkakapatid na ang turingan namin. Ngayon, malalayo na ako sa kanila.

"Elay! Kakain na!" rinig kong tawag ni Kuya at kinatok ang pintuan ng kwarto ko.

"Susunod na po!"

Tamad akong bumangon sa kama at bumaba. Naghahain na si Mama at naupo ako. Si Kuya Raiko ay naupo sa tabi ko.

"Si Papa?" tanong ko.

"Pinuntahan iyong lilipatan nating bahay," sagot ni Kuya at uminom ng tubig.

"Alam mo, Kuya?" tanong ko.

Young Love (Almost #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon