Chapter 14

0 0 0
                                    

Ilang araw hindi nagtagpo ang landas namin ni Sincere—which is a good thing para naman makapagpokus ako sa pagre-review. Katulad lang dati noong hindi ko pa siya nakikilala. Iniisip ko lang ang pag-aaral ko.

Ayoko muna siyang isipin. Ayokong ma-distract lang namin ang isa't isa kaya pinalipas ko ang nalaman ko kay Peach. Hindi ko ginawang big deal iyon kahit isa iyon sa naging dahilan ng hindi ko pagkatulog. I tried not to think about him. But I can't.

"May eyebags, ah. Nagpuyat para sa competition?" Binangga ni Peach ang aking balikat.

"Kailangan kong maipanalo 'yon. Nakakahiya sa section ko, napaka-competitive na mananalo ako. Ayokong ma-dissapoint sila," sabi ko at humikab.

Hinawakan ni Peach ang balikat ko. Napatingin ako room bago sa kaniya. Ngumiti siya sa akin.

"Don't pressure yourself. Don't mind them. Sige ka, ikaw lang din ang mahihirapan. They will never know what you feel not until they are in your feet."

Ngumiti ako pabalik sa kaniya.

Aral lang nang aral. Sa totoo lang, masakit din para sa akin nang mataasan dahil alam kong ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. Lalo na sa mayabang na si Sincere na 'yon. Alam kong magaling ako. Ayokong ikumpara ang sarili subalit hindi ko mapigilan kaya ako rin ang nahihirapan.

Ilang araw na lang ay gaganapin na ang kumpetisyon. Sobrang luwag ng oras ng mga estudyante dahil walang pinapagawa ang mga nagtuturo. Mayroon man pero kaonti lang, hindi na kailangan pag-aksayahan ng lakas.

Kaya marami rin kaming oras ni Parzival para mag-review. Madalas ay siya ang nagbibigay ng reading materials. Kapag nahihirapan ako, rescue agad siya. Alam kong awkward din siya dahil sa nangyari noong isang araw. Ramdam kong gusto niyang makipag-ayos pero itong kumpetisyon ang pumipigil sa kaniya.

"Okay ka na? Naiintindihan mo ba lahat? Nahihirapan ka ba?" he asks.

Umiling lang ako.

Itinabi ko ang natatanging reviewer ang mayroon ako. Tumayo na agad ako at hindi siya binalingan ng tingin.

"Una na ako," sabi ko.

Kailangan ko pang mag-review para sa solo competition.  Marami-rami pa 'yon at kailangan kong masabayan agad 'yon. Ayokong pumalpak. Ayokong mapahiya ang section namin na umaasang maipapanalo ko iyon.

Bumuntong-hininga ako at pinanood ang mga taong nagkakagulo sa pag-upo. Mas lalo akong na-pressure nang makita ang mga kaklase kong sama-sama na manonood. Nakita ko pa si Migo na nagtaas ng banner at sinisigaw ang pangalan ko na mananalo raw ngayong araw.

May nagbigay ng dalawang pineapple juice in can sa akin. Nakita ko na lang iyon sa bag ko at nabasa ang magkaibang sulat sa note na nakita ko sa tig-isang lata. Hindi ko alam kung iisang tao ba ang nagbigay o hindi. Pero kung sino man ang nagbigay nito sa akin, nagpapasalamat ako.

Goodluck, the day is all yours. This isn't a competition of living in this world. Whatever the result is, it will never defined you as a good person.

Do your best. Whatever the result is, be happy. Stop being harsh to yourself. Hayaan mo silang mabaliw kaka-cheer sa 'yo kung nape-pressure ka sa kanila. Mga langgam lang sila kapag nasa stage ka na. Hayaan mo, pagkatapos nito, sasakalin natin sila isa-isa.

I am happy to announce that we got the second place in by pair competition yesterday. The competition is nerve-wracking.  Really. Laking pasasalamat ko dahil kasama ko si Parzival na nasa aking tabi. Napapatulala na lang talaga ako kapag nababasa ko ang iilang question dahil hindi ko maintindihan!

Young Love (Almost #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon