Chapter 2

4 2 0
                                    

"Exchange with your seat mate," sambit ni Ma'am pagkatapos ng limang minuto niyang binigay sa amin para sagutan ang one to five na quiz.

Makikipag-exchange na sana ako kay Parzival nang tumayo siya at lumapit kay Ma'am. Nilingon ko si Migo na nakipag-exchange na ng papel sa katabi niyang si Kat.

"Acrose, hindi na ako magche-check n'yan, may katabi ka na," sabi ni Ma'am at tumingin sa akin.

"What?" ani Parzival at kumunot ang noo.

"Kaya lang naman ako nagche-check ng mga papel mo dahil wala kang katabi. Ang sabi mo pa ay ang baboy mag-check n'yan ni Birueles," sambit ni Ma'am at nginiwian si Migo na nagawa pang ngumiti.

"Fine..." tamad na sinabi ni Parzival at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang 1/4 na papel ko at binigay naman niya ang sa kaniya.

"Write corrected by; it means, write the correct answers too. Kaya nga corrected, 'di ba? Also, write your full name with signature and date."

Ang arte naman nito magpa-check ng papel.

Ginawa ko ang sinabi niya. Pinakita ko pa sa kaniya 'yon.

"Okay na? P'wede na 'to? Gusto mo pa ba ng message?" sabi ko, nagbibiro.

Pinagtaasan niya lamang ako ng isang kilay.

Nang matapos ang apat na subjects, nag-bell na hudyat ng break time. Kalahati ng isang oras ang break time namin at p'wede kaming lumabas ng school basta ba ay may ID. Kapag hindi ka na bumalik sa tamang oras, hindi na papapasukin.

Kaya nga nandito na lang ako sa loob ng school. Ayoko na sa unang pasok ko, may record agad ng cutting.

Pinanood ko ang mga kilos ni Parzival. Tumayo siya at humarap sa kaniyang bag na nasa upuan din. Kinuha niya ang kaniyang, cellphone, wallet, handkerchief, at tumbler. Hindi niya ako sinulyapan hanggang sa makalabas siya.

Nilingon ko si Migo na nagmamadali sa pagkuha ng kaniyang cellphone sa kaniyang bag. Pagkatapos no'n ay agad siyang lumabas.

Napanguso ako.

Wala pa nga akong makakausap.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Peach.

Ako:
Saan room mo?

Agad naman siyang nakapag-reply pabalik.

Pichi:
Taas lang. Second room.

Tumayo ako at lumabas ng room. May napapatingin talaga sa akin. May naririnig akong "Ah, 'yong transferee." Hindi naman masyadong big deal sa iba. Siguro rito lang sa building namin ako usap-usapan.

Umakyat ako ng fourth floor. Maiingay ang mga estudyante roon at naghaharutan sa daan. May iba namang nakatambay lang at may tinatanaw sa malayo.

Sumilip ako sa babasaging bintana sa pintuan ng room nila Peach. Halos ganito lahat ng pintuan sa bawat room, may bintana rin na katulad sa pintuan ay di-slide ito.

Binuksan ko nang kaonti ang pintuan ng room nila Peach. Maingay sila at may nagsasayawan sa likuran. Sa bandang harapan naman ay nagsusulat sila sa whiteboard. May ibang nakaupo at piniling abalahain sa sariling ginagawa.

Napatingin bigla sa akin si Peach. Ngumiti ako at tuluyan na sanang bubuksan ang pintuan nang biglang may humarang sa paningin ko kay Peach.

"Ano'ng pangalan mo?"

Nag-angat ako ng tingin.

"Hindi ka section two. So you're not allowed to step inside without our permissions. Section two's room is only for section two students," aniya.

Young Love (Almost #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon