Chapter 15

0 0 0
                                    

Ang sama ko.

Ang sama kong tao.

"Pinabibigay ni Sincere. Dapat ay sa mismong event niya ito ibibigay pero nawalan siya ng gana," sabi ni Peach at nag-abot sa akin ng isang box.

"B-Bakit?" nagi-guilty kong sinabi. Napayuko ako at parang may kumurot sa aking dibdib.

"Hindi ko alam do'n. Pinapaabot lang din sa akin, e. Ayos ka lang ba?" Suminghap siya.

Tumango ako. "Ayos lang." Kinuha ko ang box sa kaniya para hindi na ako tumagal dito sa tapat ng kanilang room. Ayoko pang makita si Sincere. Naging padalos-dalos ako. I got carried away. Hindi naman pala totoo lahat ng inisip ko tungkol sa kaniya.

"Looks like Sincere changed a bit, huh."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniyang sinabi. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Lumanghap siya sa hangin at ipinatong ang magkabilang braso. Pinanood niya ang mga estudyante sa ibaba.

"Hindi na gaanong nagyayabang. Bumaba sa tuktok."

Ikinunot ko ang noo at naguluhan sa kaniyang sinabi.

"Kung nakita mo lang kanina na nagpapakumbaba siya. Hindi na siya nagiging mayabang kumpara dati. Wala nga siyang pakialam nang iba ang napili ni Sir para sa lalaban sa regional. Wala siyang ginawa no'ng may mas mataas sa kaniya kanina sa quiz namin. Wala nga siyang ginawa no'ng niyabangan siya ng isa naming kaklase kasi mas mataas siya kaysa kay Sincere. Kung dati ay susungitan niya, sasabihan ng kung anu-ano, ngayon ay wala. Pinayabaan niya lang. Lahat nga kami nagulat kasi bagong-bago iyon kay Sincere. Ang weird, 'no." Tumawa siya at bumaling sa akin. "Bakit kaya?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi ba maganda 'yon? At least may plano pa siyang magbago," sabi ko at humigpit ang hawak sa box.

"Nag-congrats pa nga siya sa akin kahit hindi naman ako 'yong nanalo. Alam mo, ngayon ko lang ulit nakitang gano'n si Yanci. He doesn't care. Malamig makitungo, suplado, at mayabang. Pero hindi naman siya magiging gano'n basta-basta."

Hindi ako nakapagsalita.

"Sincere chooses to set aside his usual competitive nature and instead shows humility and respect towards his academic rivals, which yeah surprise and impress us."

Tulala ako habang naglalakad sa hallway. Hawak-hawak ko pa rin ang box na bigay ni Sincere. Gusto kong maiyak. Pagkatapos ko siyang sabihan ng masasama, mabait at maganda naman pala niya akong pinag-iisipan. Ako lang itong masiyadong nag-overracted at naghanap ng magiging gulo.

Bumalik na rin ako sa room namin.

Nagkaroon kami ng group project na ipe-present sa Huwebes. May dalawang araw kami para sa preperasyon. Akala ko magbibilangan o magbubunot ng mga pangalan para sa grupo subalit ang ginawa ni Ma'am ay by row.

Napahinga ako nang malalim nang bulungan ako ni Migo sa aking tabi at iturong lider namin si Parzival.

"Si Acrose po," sabi ko nang tanungin ako ni Ma'am.

"Okay. Majority wins. Ikaw, Parzival ang lider. Assistant mo?"

"Alviesa po."

Muntik na ako mapaangal. Nang tumingin sa akin si Ma'am na nag-aabang ng isasagot ko ay wala na akong nagawa. Sinulat niya sa kaniyang record ang bawat miyembro ng grupo at nag-proceed na sa sunod na row.

Young Love (Almost #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon