Chapter 19

0 0 0
                                    

Breath in. Breath out.

Kalma, Elyjah.

Naiinggit ako kay Peach dahil may dala siyang earphone. Sinaksak niya iyon sa kaniyang cellphone at nagpatugtog. Pumikit siya sabay sandal sa bintana, nagmo-moment. Habang ako ay nabibingi na dahil sa sobrang katahimikan maliban na lang sa ingay ng ulan sa labas.

Sa likod kami nakaupo ni Peach habang katabi naman ng driver si Sincere na tahimik din.

May naramdaman ako sa kinauupuan ko. Isang matigas at medyo malaking bagay. Kinapa ko iyon ng kamay ko at nanlaki ang mga mata nang makita na ang libro ito ni Sincere. Tumingin ako sa kinauupuan ko at kinuha pa ang isang nauupuan ko. Nakagat ko ang labi. Sinuri ko kung may lukot, buti na lang ay wala.

Dinig na dinig ang galaw at paghinga namin sa sobrang tahimik. Humilig ako palapit kay Sincere at nilahad sa kaniyang gilid ang libro.

"Naiwan mo 'yong libro mo kanina no'ng nadapa ako," mahina kong sabi. Tumikhim ako nang tanggapin niya iyon nang hindi bumabaling sa akin.

Okay! Hindi ito ang tamang oras para mainis sa kaniya. Kaya ako lumalapit sa kaniya ngayon ay para magkaayos kami. Ayoko namang magkaroon ng kaaway sa school life ko, ano. Hindi magandang karanasan iyon para sa akin kaya ako na ang magpapakumbaba katulad lang ng dati.

"So, lagi ka bang nagpapasundo?" tanong ko habang nakadungaw sa kaniya. Tapat na tapat tuloy ang aircon sa akin kaya hindi ko maiwasang lamigin. Bumahing ako sa sulok at bumalik ulit sa puwesto sa gitna.

"Hindi," malumanay niyang sinabi.

Napatingin ako sa kamay niyang inilapit sa may aircon na binawasan ang lamig. Tumikhim siya matapos gawin iyon sabay tingin sa labas.

Nakagat ko ang labi ko sa nakita. Pinili ko na lang na magtanong ulit.

"Bukas ba magpapasundo ka o magpapahatid? Ano oras ka pumapasok?" mga tanong ko na hindi ko na napigilan ilabas sa bibig ko.

Katahimikan ang sunod na namayani. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil walang sumagot. Mukha tuloy akong papansin. Gusto lang naman nila ang katahimikan pero sinisira ko lang dahil sa mga tanong ko.

"Sir..." magtatanong na sana ako sa driver niya nang magsalita si Sincere.

"30 minutes bago ang klase ay nasa school na ako. Hindi ako magpapasundo bukas. Nagpasundo lang ako kasi umuulan at wala akong kasabay. Hindi ako magpapahatid bukas. Magbu-bus ako," sagot niya na naniniguradong wala na akong itatanong pa. Pero hindi pa rin nawala ang pagiging malamig niya.

"Okay." Tumango ako at napangiti sa sarili.

Muli na namang nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Wala akong maisip na susunod na sasabihin. Sabihin ko na lahat ng walang kwentang bagay basta ay huwag lang ako madudulas tungkol sa naging sagutan namin noong nakaraan sa mall.

Hindi ko dapat ungkatin iyon kung ayaw kong mapalabas dito sa sasakyan nang wala sa oras. Magmumukha akong basang sisiw.

"Uhm, wala ka na bang ipapagawa sa akin, Sin? Wala na kasi kaming ginagawa, e. P'wede ko na gawin lahat ng activity mo sa isang araw," suhestiyon ko at dinungaw siya.

Bahagya siyang lumingon sa akin. "No... It's okay."

"Huh? Bakit naman? Baka sabihin mong hindi ako tumutupad sa usapan."

"Nope. Hindi ko sasabihin. Okay lang. You don't need to do it anymore," malamig niyang sambit.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat sa kaniyang sinabi. Hindi ko na gagawin? Bakit? Kasi wala naman talagang dapat ipagawa sa akin?

Young Love (Almost #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon