Chapter 7

1 0 0
                                    

Habang nag-aabang ng masasakyan na bus sa waiting shed ay hindi ko na napigilan ang bibig kong magsalita.

"Bakit gusto mo akong kasabay umuwi?" Tumingin sa akin si Sincere. "Hindi sasabay sila Kuya Isaiah sa 'yo?" Tumango siya.

Iniharap ko na lang ang tingin at iniwasan nang mapatingin sa kaniya. Pinanood namin ang pagdaan ng mga sasakyan. Naririnig ko na rin ang pag-vibrate ng phone ko kaya kinuha ko muna 'yon sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni Kuya.

"Saan ka na? Sabi ni Peach nanood ka pa r'yan?" bungad ni Kuya.

"Pauwi na po. Wala lang po masakyan."

"Gusto mo sunduin kita? May gaas pa naman 'yong motor."

Umiling ako. "Huwag na po. Ayos lang ako."

"Sigurado ka?" Kuya sighed.

"Opo."

"Ingat ka sa pag-uwi. Mag-open ka lang para natatawagan at nacha-chat kita..."

"Okay po."

Ibinalik ko na rin ang cellphone sa bulsa. Wala pa ring maluwang na masasakyan. Magje-jeep sana kami pero dodoble ang pamasahe kaya nanatili kami sa desisyon na magbu-bus kami.

"Nakuha mo agad loob ni Ate Aiah," aniya.

"She's nice and pretty." Hinawakan ko ang strap bag ko.

"Looks like she's going to look for you everyday at school."

Nilingon ko siya. "I don't think so."

"I think so."

Tipid na lang akong ngumiti.

"Why not? She loves you."

"Wow. Nararamdaman mo na pala ang emotions ng ibang tao," kunwaring namamangha kong saad.

"I can see it through their eyes."

Hinarap ko ang sarili sa kaniya.

"Read my mind, then."

Humarap din siya sa akin at humalukipkip. Nagsimula siyang titigan ako sa mata. I smiled at him. He's obviously lying. He can not only read other people's mind through their eyes but also feels others' emotions. Sino naman makagagawa no'n? Bata pa talaga, akala mo totoo ang mga fantasy.

"Your eyes say "I want to disappear Sincere in my whole life so I can solo the achievements that are waiting."

Natawa ako sa sinabi niya.

He's ridiculous!

Hindi na rin niya maiwasang matawa sa sinabi niya.

Napatingin kami ni Sincere sa isang humintong bus na siksikan sa loob. Hindi sana kami sasakay ni Sincere subalit bumukas na ang pintuan at pilit kaming pinapapasok ni Kuyang konduktor na kasya pa raw ang dalawa, tatayo nga lang.

Pumasok na lang din kami ni Sincere dahil ayaw na naming maghintay at mukhang wala na talagang masasakyan.

Hinawakan ni Sincere ang kamay ko at naunang pumasok. Bigla akong napahawak sa sandalan ng upuan ng isang ale nang biglang umandar ang bus. Naramdaman ko namang humigpit ang hawak sa akin ni Sincere. Nilingon niya ako.

Young Love (Almost #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon