Chapter 26

0 0 0
                                    

"Happy birthday."

Nagulat ako nang may naglahad ng isang violet box sa harap ko. Ilang segundo kong tinitigan iyon bago napatingin kay Sincere na siyang nag-aabot sa akin. Ngumiti siya.

"H-Huy..." nahihiya kong nasabi. "Nag-abala ka pa."

Kinuha ko iyong box sa kaniya at sinuri. Naupo siya sa tabi ko habang pinapanood ako. May ribbon sa gitna ang box, sa ibabaw no'n ay naka-print ang pangalan kong 'Elyjah' na naka-cursive. Ang elegant niya tingnan. May pa-glitters-glitters pa kasi sa kabuuan ng balot pero hindi siya dumidikit sa kamay ko. May amoy pa ang papel.

"Thank you," sabi ko.

Tumango siya sa gilid ko, nakatingin pa rin. "Wish you a happy birthday. Ano plans mo today?"

Nilingon ko siya at nginitian. "Sa bahay lang kami since pumasok ako. Ayoko na rin namang lumabas kami kasi gagastos pa nang malaki. I-pera na lang sa akin nila Mama." Ipinakita ko pa ang money sign sa kamay ko at tumawa.

"Sakto pa lang iyong binigay ko, e," natatawa niyang sabi.

Kumunot ang noo ko at saglit na tiningnan ang box. "Bakit? Ano ba 'to?" tanong ko.

"Open mo." Ngumisi siya.

Ngumuso ako. Malamang bubuksan ko talaga, paano ko makikita 'to kung hindi ko bubuksan? Isip-isip din minsan, Elay.

Medyo dinahan-dahanan ko pa kasi baka mamaya ay may tumalon sa loob. Duh! Lalaki rin ito si Sincere at kapag lalaki, maraming kalokohan ang naiisip! Na-trauma na ako sa mga ganito kasi na-prank na rin ako ni First na walang hiyang naglagay ng palaka sa isang box para daw sa welcome gift nila sa akin. Ayon, nilagay ko sa bag niya pagkauwi.

Nang matanggal ko nang tuluyan ang box ay bumungad sa akin ang maraming kulay violet na parihaba. Nalaglag ang panga ko.

"Sorry kung pera na lang binigay ko. Wala kasi akong maisip na irere—"

"Adik ka ba?!" Nanlalaking mga mata ko siyang nilingon. "Bakit ka nagbigay ng pera sa akin?!" gulat kong pahayag. Kumurap pa ako nang ilang beses sa perang bumulaga sa akin. Lahat ay isang daan at ayokong bilangin dahil marami!

"Wala akong maisip na gift, e," dahilan niya. Nagkibit-balikat siya.

"Shunga!" Gulat pa rin ako. At kapag ganitong gulat ako at hindi makapaniwala ay kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko. "Baliw ka! Saan galing itong pera?! Dinukot mo pa 'to sa wallet ng parents mo, ano?" pang-aakusa ko pa sa kaniya.

"Wait-wait," natatawa niyang sinabi. Iniangat niya ang isang kamay sa akin para sabihing tumigil ako sa kung ano ang iniisip at pinagsasasabi ko.

Ano?! Aba! Hindi ko tatanggapin ito. Hindi ako tumatanggap ng pera sa hindi ko naman kamag-anak! Nakakahiya kaya. Mas inaasahan ko pa kung ililibre lang nila ako o simpleng gift lang pero ito? Pera? Mula kay Sincere? Huwag na, Kuya! Akala mo ninong ko si Sincere, e!

"Elyjah, hindi ko 'yan dinukot sa parents ko. Akin 'yan! Galing pa nga sa allowance ko."

"E, bakit mo binibigay sa akin? Nakakahiya! Huwag na, huy!" Tumawa ako. Sinarado ko na ang box at handa nang ibalik sa kaniya.

"Hindi na. Okay lang. Gift ko 'yan sa 'yo. Gusto sana kitang samahan bumili gamit 'yang pera para may gift na ako sa 'yo." He smiled widely.

Bumusangot ang mukha ko. "Tapos kung maka-sorry ka, parang kendi lang ang binigay mo sa 'kin? Hindi ako tatanggap ng pera, 'no!" Umiling ako.

Pinitik niya ang noo ko. Agad akong napaangal at hinimas ang noong pinitik niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Lakas ng tama nito, ah!

Young Love (Almost #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon