A few months after the virus spread disappeared. It was announced that everyone could go to school again, and this will be the fifth year they will see each other as classmates again.
Bago tumuntong ng second year ay nagsimula na ang pandemya kaya naman naudlot ito at tanging sa mga screen na lamang sila nagkikita noon.
This year, they are probably in Senior High now.
"I wonder what they looks like now." Louise Elsie Formentera said while combing her smooth and wavy hair.
Masaya ito ngunit kinakabahan din ng sabay. Hinanda niya ang sarili niya para sa pasukan, halos mukha na nga itong bampira dahil sa kaputian nitong balat.
Ikaw ba naman ang hindi gumala ng tatlong taon at puro bahay lang.
"I'll go now, Mommy!" Pagpapaalam ni Indica Sapphire Clemente sa kaniyang mestisang ina na namana niya kung kaya't nakinang sa araw ang balat nito.
May sarili itong taga-hatid at sundo na sasakyan kaya hindi ito nahihirapan tuwing papasok o uwian, isang bagay na normal na sa mga mayayaman.
"Putek! Ang pait mo naman magtimpla!" Reklamo ni Celina Gwen Lopez sa kaniyang Kuya. Muntik pang matapon ang maitim na kape sa kaniyang malinis na uniform, kapag nagkataon ay magpapalit na naman siya ng bago.
Ngumisi lang ang kaniyang nakatatandang kapatid na halatang nang aasar. Nasisiyahan itong nakikita na nag-gagahol siya sa oras lalo na kapag pasukan.
"Oo na! Oo na! Uuwian ka na ng pasalubong ni Kuya!" Naiiritang sagot ni Waylen Hayes Soriano sa kaniyang kapatid na si Wyn. Kinukulit na naman kasi siya nito na bilihan ng mga abubot na laruan sa tuwing siya ay papasok.
Kahit ayaw niya ay wala naman siyang magagawa kundi pumayag dahil hindi siya nito titigilan at baka mahuli pa siya sa klase.
"Kung nandito lang si Mommy paniguradong may sarili akong sasakyan at hindi ko kailangang magtiis sumabay dito." Nalulungkot na sambit ni Freina Reiline Castillo habang sumasabay sa school service ng kanilang paaralan.
Kahit pa pinagtitinginan siya ng mga ibang estudyante sa loob ng van ay pinilit nalang niya iyon ipagsawalang-bahala.
"Maayos naman ang necktie ko, Ma. Let me do it myself." Nahihiyang sambit ni Matthias Nixon Samaniez sa kaniyang ina. Sadyang malambing ang ina ni Matthias sa kaniya sapagkat nag-iisang anak lamang ito.
Tahimik na nakamasid naman ang kaniyang Ama sa hamba ng pinto at nakangiting pinapanood sila.
"Mga siraulo! Wala akong boyfriend kaya walang sasabay sa'kin!" Sigaw ni Tamara Khalia Alonzo sa kambal na kaniyang mga kapatid. Pinagalitan pa siya ng kaniyang Ama na nasa screen lamang ng laptop dahil sa tabas ng dila nito.
Humagikgik lang ang kambal dahil sa biro nilang may sasabay daw sa kanilang Ate papasok sa school, pero kahit wala ay umaasa si Tamara ng kaunti na susunduin siya ng hinihintay niyang tao.
"Alright. Take care, Otosan." Maikling sagot lang ni Ryuu Alistair Matsumoto sa kaniyang Ama na naghatid mismo sa kaniya. Nagpaalam man ay hindi naman siya muli pang sumulyap dito at dire-diretso nang lumabas ng sasakyan.
Didiretso na rin ang kaniyang Ama sa office ng principal dahil ipinatawag ito para sa meeting ng mga stakeholders.
"Nasan yung isang pares ng medyas ko! Bakit wala dito!" Sigaw ni Lauren Ivy Gremore sa kaniyang kwarto habang naghahalughog sa kaniyang cabinet.
YOU ARE READING
School Of Elites
Teen FictionElierimount International High School. There is a school that is leading the country because of the unique talents and high intelligence of its students. However, the beauty of the school is that it also causes pain in the pockets of some due to the...