Theon Severus Velasco
"Saan daw tayo?" I asked and glance to Kino a bit.
Pauwi na ako sa condo nang biglang mag message sa amin si Primo na siyang leader at lead guitarist ng banda na may meeting kami ngayon, kaya heto kami at nasa byahe na dahil kaming dalawa nalang ang hinihintay.
Tumingin siya sa akin at pasinghal na ngumisi.
"Baka sa Palace? Sabi ni Primo malapit lang daw eh, kaso ayaw ko naman doon. Ang daming tao tapos mga wild pa. Last na tugtog natin doon halos hilain na ako ng ibang babae sa Cr." Nauurat ang kaniyang boses habang pinagmamasdan ang kalsada ng Bonifacio Street habang nasa bintana naman ang kaniyang siko.
Tumawa ako ng mahina.
"Natural. Sa club tayo tumutugtog pre hindi sa simbahan. Ano ine-expect mo mga Maria Clara ang nagpa-party doon?" Asar ko. Hininto ko ang sasakyan nang maabutan kami ng stop light.
Pakunwari pa akong umilag sa amba ng kaniyang suntok.
"Palibhasa sanay na sanay ka na. Baka nga hindi kana virgin eh!" Singhal pa niya. Pikon talaga ang isang ito kahit kailan.
"Wag mo nga ako idamay sa problema mo, and I don't need experience. Panandaliang saya? Sus." Tumawa pa ako ng bahagya sa itsura niya na naninimbang.
Kahit naman paano eh matino pa ako kesa sa kanila. Lalo na sa pinsan ko. Studies at banda lang ang pinagkaka-busyhan ko dahil mas kailangan kong umangat sa pwesto na meron ako ngayon.
Kapag kaya ko nang buhayin ang sarili ko ay makaka-alis na ako sa puder ng tatay kong nagloko sa asawa niya.
Nang umandar na ang kotse ay niliko ko na ito sa building tower na tinutuluyan ko. Pagka-park ay mabilis kaming bumaba ni Kino para dumiretso na sa taas.
Nagmadali talaga kami dahil batid ko na ang kalagayan ng room ko nang sabihin na sa condo ko kami magme-meeting.
Kaya nang makapasok na kami ni Kino ay halos murahin ko sila sa nadatnan namin.
"Tangina talaga. Akala ko ba meeting?" Tanong ko kay Gray na siya ring drummer ng banda at pinsan ko sa ina.
Naabutan ko silang nagbubukas na ng alak sa sala habang may dalawang babaeng katabi sila Primo at Levon. Hindi naman gaano kalakihan ang condo na binigay sa akin ng tatay ko pero dalawa naman ang kwarto nito at medyo malawak din ang living room.
Dito rin umuuwi sa akin si Gray dahil pinalayas siya ng parents niyang ayaw sa mga hilig niya, lalo na ang pagtugtog niya.
"Tss. Ang tagal niyo eh! Saan pa ba kasi kayo pumunta? Edi sana sumabay ka kay Gray kanina." Sagot ni Primo na siniringan ko lang.
Siya ang mas matanda sa amin at siya ang mas nakakaalam ng mga pasikot sikot sa pagtugtog namin. Kung saan kami tutugtog at ang mga dapat naming gawin, kaya lang ay siya rin ang pasimuno sa mga ganito.
Umupo na si Kino sa tabi ni Levon na siya namang bumubulong bulong na sa babaeng katabi niya. Morena at balingkinitan ang babae. May kahabaan ang buhok at medyo singkit ang mga mata, typical sa mga type ni Levon dahil singkit din ang isang ito.
Si Levon Zagreus Yin ang bass ng banda. Chinese siya pero dito lumaki kaya nakakasabay sa language ng pilipinas, pero minsan ay nagsasalita ng chinese kapag sobrang nalasing na hindi naman namin maintindihan.
"Sinundo ko pa yan si Theon! Mukhang nababaliw na naman yata sa kaklase niya. Siya yung taong halata masyado pero takot naman." Sabat ni Kino.
Binato ko ito ng sapatos. Tatawa tawa lang siyang sumiksik kay Levon kaya naasar naman ang isa.
YOU ARE READING
School Of Elites
Teen FictionElierimount International High School. There is a school that is leading the country because of the unique talents and high intelligence of its students. However, the beauty of the school is that it also causes pain in the pockets of some due to the...