Kabanata 4

244 13 4
                                    

Matthias Nixon Samaniez

"N-Nakapagdesisyon kana ba kung sasama ka sa linggo?" I asked. Tinanong ko pa rin kahit nakikita na ang alanganin sa kaniyang mukha.

Napapa-isip din ako kung bakit siya gusto isama ni Mama? Dahil ba talaga doon? Is she somehow.. wanting me to make a move? I Hope not. Ayaw ko pa rin na may makikialam about dito.

My parents knew how much I like her, at kahit ganon ay hindi naman nila ako pine-pressure na magkaroon na ng girlfriend or ligawan na siya, pero minsan pakiramdam ko pinapaalam na nila sa akin na kailangan ko ng kumilos. 

I never did this before, ngayon lang.

Noong nakilala ko lang siya, doon lang ako nagka-interest sa babae. I find her interesting. Hindi ko nga alam kung nararamdaman niya ba ang mga signal ko or my simple gestures na minsan ko nang nagawa sa kaniya pero maramdaman man niya o hindi, kuntento na ako. Kahit ganito lang kami. 

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. 

"Oo nga pala, tingin ko hindi ako makakasama sa inyo. Uuwi kasi sila mama sa linggo." A glimpse of worriness passed across her eyes. 

Umiwas siya ng tingin. Naiintindihan ko naman.

This is not the first time she rejected my invites, simula pa noon ay talagang hindi siya palalabas and I'm fine with that. Kaya nga hindi ko na inaasahan ang pagpayag niya kahit sinubukan ko pa rin. Hindi na rin gaano masakit dahil sinanay ko na ang nararamdaman ko sa kaniya.

The less you expect, the less you hurt. 

Umangat ang gilid ng labi ko para bigyan siya ng ngiti at ipinakitang ayos lang. 

"It's okay, may susunod pa naman. See you next week?" I calmly said. A little sighed and it's fine.

"S-sige." She answered. I tap her head twice before walking away. 

It's okay. It is.

I got a message earlier from my dad that my car is in a repair shop, the reason? I don't know. Kaya niya ako sinundo ngayon. Papalapit pa lang ako ay kitang kita ko na ang ngisi niya. He probably saw us. Tss. 

"What happened to my car?" Tanong ko agad pagkaupo na pagkaupo ko sa front seat. Nakatingin pa rin siya sa direksyon nila Gwen.

I hissed, so he turned to me.

"Nabangga ng Mama mo, pero maliit lang naman ang damage." He simply respond like it was not a big deal. 

"Nabangga? Bakit? Saan ba kasi pupunta si Mama? You let her drive? Kamusta na siya?" Inatake ko agad siya ng mga tanong, pero parang wala naman naririnig ang magaling kong Ama.

“Kamusta ang paanyaya mo? Sasama ba siya?” Pagbabalewala niya sa tanong ko. 

Marahas na kumunot ang noo ko habang hindi makapaniwalang tumititig lang kay Papa. Bakit parang hindi naman nila sineseryoso ang nangyari?

Nabangga ni Mama, that means aksidente right? 

“Ang tanong ko ang nauna, Pa. Bakit nabangga ni Mama ang kotse ko? Hindi naman marunong iyon mag-drive ‘di ba? Hinayaan mo?” Tanong ko pa ulit. Umiling lang si Papa.

“Gusto niya matuto eh, sinamahan ko naman kaso.. akala ko marunong na pagkatapos ng ilang turo ko. Ayun, hindi pa pala.” Iiling iling siya habang pasulyap sulyap sa akin at sa harap.

“At talagang sasakyan ko ang ginamit niyo?” Ang galing. 

Alam nila kung gaano ako kahalaga pagdating sa sasakyan, kahit anong type ng model iyan. Hindi ko na nga isinama dito pagpasok ko dahil kapapalit lang ng manibela, ayaw ko muna gamitin. Tapos babalik na naman ulit pala sa repair shop.

School Of Elites  Where stories live. Discover now