Warning: Violence, Strong language
Freina Reiline Castillo
"Ano ba kasi ginagawa natin dito, Lauren? Makakagalitan ako nito dahil sa iyo eh!" Sigaw ko kay Lauren nang hatakin ako papasok dito sa isang night club na pinuntahan namin, matao masyado na hindi ko na pinagtaka pa.
Para akong mahihilo sa mga disco lights at sigawan nila, pero ang walang hiyang bestfriend ko ay tuwang tuwa sa mga nakikita niya.
See this girl? Hindi ako katulad niya na party girl kaya hindi ako sanay sa mga ganitong eksena, at hindi ko pa nararanasan magpunta sa ganitong lugar para lang magliwaliw. Lauren knows it too kaya hindi niya ako sinasama, ngayon lang.
"Sabi kasi ng source ko nandito daw sila Theon!" Sigaw pa niya para lang magka-intindihan kami.
"And so? Ngayon mo lang sinabi na crush mo si Theon?" Sagot ko na pinagtaasan pa siya ng kilay kahit alam ko naman ang gusto niyang tumbukin.
"Gaga! Ibig sabihin nandito si Kino!" Aniya sabay tili na halos sabayan na ang malakas na tugtog ng Club.
Umiling nalang ako at ngumisi sa kaniya.
Wala akong nagawa muli nang hilahin niya ako sa isang table malapit sa harapan ng stage pero banda sa gilid. Nagtawag si Lauren ng waiter at um-order ng alak na iinumin niya.
Hindi ako umiinom ng alak at never ko pa na-try. Kaya nang bumalik na ang waiter na may dala dalang mga bote ng alak ay todo iling naman ako kay Lauren.
"Sige na! Minsan lang naman kita maka-sama dito eh!" Sigaw pa niya pero matindi na ang pag-iling ko.
Aaminin kong tarantado ako minsan at loka loka pero hindi ako lasinggera! Disco lights pa nga lang ay nahihilo na ako, paano pa kaya kapag naka-inom na?
"Ayaw ko nga, Lauren! Ang baho baho niyan eh." Sagot ko sabay tawa. Pero ang gaga ay mas nilapit pa sa bibig ko ang basong may alak.
"Mababa lang tama nito, promise!" Siya habang inaalalayan akong uminom kahit hindi ko pa binubuksan ang bibig ko.
Kapag talaga ako nalasing kasalanan niya!
"Isa lang ah!" Paubaya kong sagot bago ko nilagok ang isang basong inaalalayan niya sa bibig ko.
Agad nalukot ang mukha ko dahil sa init na humagod sa lalamunan ko at sa pait na lasa nito. Tinawanan lang ako ni lauren habang inaabot ang isang hiwa ng lemon sa akin.
"Tangina, ganyan pala ang lasa tapos madalas ka pa umiinom?" Banat ko agad sa kaniya. Tumawa lang ng tumawa ang loka loka.
Nakaramdam agad ako ng pag-iinit sa tyan, hindi pa kami kumakain. Napaka-healthy talaga ng lifestyle niya! Idadamay pa ako.
Uminom din siya at parang juice lang na ininom ang kanya, mas lalong nalukot ang mukha ko. Tumili siya bigla kaya nabigla ako at agad na napatingin sa harapan.
Doon nakita ko na ang banda nila Theon at Gray na kasama si Primo, Levon at Kino na siyang pinagpapantasyahan ng kaibigan ko. Lantaran kung lantaran siyang magpakita ng motibo dito kaya nang sumigaw siya ay agad na lumingon si Kino sa pwesto namin.
"Go, Kino!" Sigaw ni Lauren habang todo ang pagkaway. Sinulyapan ko ang mukha ni Kino na hindi man lang makangiti sa kaibigan ko.
Gusto kong tawanan nang malakas si Lauren at sabihin na sumuko nalang siya dahil mukha namang walang interest sa kaniya si Kino, pero dahil diyan lang siya masaya ay hinayaan ko na.
Nagsasalita na ang host sa harap pero grabe na ang hiyawan at tilian ng kung sino sino. Samantalang ako nandito pa rin sa isang sulok at naghihintay manawa si Lauren kay Kino para makauwi na.

YOU ARE READING
School Of Elites
Teen FictionElierimount International High School. There is a school that is leading the country because of the unique talents and high intelligence of its students. However, the beauty of the school is that it also causes pain in the pockets of some due to the...