Kabanata 6

198 11 0
                                    

Tamara Khalia Alonzo

"May problema kayo?" Tanong ni Theon sa'kin nang mapansin niya rin ang pagiging walang imik ni Alistair.

Matagal naman nang tahimik talaga si Alistair pero kasi kakaiba yung aura niya ngayon at talagang kahit sino mapapansin ang problema sa mukha niya.

Si Theon kasi ang dating katabi ni Alistair sa upuan kaya kabisado na niya rin ito. Umiling ako sa kaniya.

Hindi naman kasi kami ang may problema, siya lang. Pero hindi ko alam kung ano kasi kanina pa niya ako hindi pinapansin, lunes na lunes pa naman.

"Wala, ewan ko sa tukmol na 'yan." Biro ko at sinikap na tumawa pero seryoso lang siyang tumango. Umiwas nalang ako ng tingin at nag ayos na ng gamit para lumabas.

Pinagmasdan ko ang pagtayo ni Alistair at ang dire-diretso nitong paglabas. Galit ba siya sa'kin? Nag away ba kami? Wala naman akong natatandaan na pinag-awayan namin.

Oh baka naman may ginawa akong kinagalit niya? Meron ba? Kung meron.. Ano?

"Mukhang may manunuyo ah." Dinig ko ang mapang-asar na boses ni Viella. Itong babaeng ito palagi nalang may napapansin sa amin.

Madali naman sila maka-close ni Aivell kaya masasabi kong may pagkakaiba talaga sila ng ugali.

"Pano ba manuyo?" Tanong ko na pinagtawanan lang niya.

See? Ganyan siya, minsan pa sinasabihan pa niya ako na bakit daw kami palagi magkasama kung wala naman palang label? Naikwento ko kasi sa kanila ni Aivell since curious sila sa amin.

Wala daw akong panghahawakan kung wala akong karapatan. Totoo naman iyon eh, ayaw ko lang sigurong tanggapin.

"Paano mo ba suyuin ang hindi mo boyfriend?" Tanong din niya pabalik sa akin. Langya talaga, sana pala hindi nalang ako nagtanong.

"Viella! Bilisan mo naman dyan!" Napalingon kami pareho kay Aivell na nag-aabang na sa pinto at tila balisa ang itsura, palingon-lingon pa sa paligid. Nyare dyan?

"Ito na! Uwing uwi? Sige na, uwi na kami. Goodluck." Bumaling pa ito sa akin para lang sabihin iyon, nakangisi pa siya habang sinasabi ang huling salita.

Ako naman ay hindi alam ang gagawin habang tinitignan ang mga kaklase kong nagsisi-uwian na. Hihintayin ba ako niyon sa parking? Tingin ko hindi na, baka mag commute nalang ako pauwi.

Isinabit ko na sa balikat ang dala dala kong bag at lumabas na. Pagpunta ko sa parking lot ay wala na nga ang sasakyan niya. Nakanguso nalang akong naglakad palabas ng gate.

Hindi ko maiwasan isipin ang sinabi ni Viella. Wala naman talaga kaming relasyon ni Alistair eh, kung ano man yung meron sa amin ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung parehas ba kami ng nararamdaman.

Aminado akong may gusto ako sa kaniya pero hindi ko alam kung ganon din ang nararamdaman niya. Simula umpisa alam ko ng gusto ko siya at habang tumatagal ang pagiging malapit namin ay mas lalong lumalalim iyon.

Which is very risky for me, paniguradong mahihirapan akong makabangon once na magdesisyon siyang layuan na ako. Ngayon pa nga lang na iniwan niya ako ngayon nang walang pansinan ay parang nadudurog na ako.

Ginusto ko naman ito kaya dapat kayanin ko.

Naglakad ako sa sidewalk papuntang paradahan ng jeep, medyo malayo sa school iyon at bilang lang ang mga naglalakad, mga nasa dalawa o tatlo lang dahil karamihan sa mga nag-aaral doon ay mayayaman.

May mga katulad din naman ako na nag-aaral sa school na hindi sobrang yaman, kaya lang ang sa kanila kasi ay nakukuha sa talino at ang mismong school ang nag-aalok sa kanila.

School Of Elites  Where stories live. Discover now