Celina Gwen Lopez
"Psst."
Ilang beses na akong napa-irap sa kawalan, pangatlong beses na niya rin na tawag iyan. I can't help but to curse in silent.
Talagang sobrang hina dahil nasa library kami ngayon at may hinahanap na libro para sa aming unang thesis at dahil by partner itong gagawin namin ay talagang sumakit ang ulo ko sa partner ko.
Hindi naman sa ayaw kong may kasama, ang nakakainis lang eh siya pa ang naging partner ko.
"Gwen.." Tawag niya ulit. Inis ko na siyang nilingon.
"Ano ba? Hindi ba sabi ko maghanap ka lang dyan? Ano bang kailangan mo?" Mahinang angil ko sa kaniya. Nagtaka ito sa inakto ko.
"Bakit galit ka agad? May sasabihin lang naman yung tao." Mahinang sagot din nito habang pinaglalaruan lang ang librong hawak niya.
"Oh? Ano ba 'yon?" Tanong ko at ibinaba ang paningin sa librong hawak ko para umiwas ng tingin.
"Ah.. Ano kasi.." Nangunot ang noo ko at pinigilan ang sarili na mapatingin sa kaniya. Nahihimigan ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang boses.
Problema nito?
"G-Gusto kasi ni mama na sumama ka sa linggo para magsimba.." Napa-angat na ang tingin ko kay Matthias Nixon Samaniez.
Bakit ako niyayaya nito? At ano daw? Gusto ni Tita Madeline? Isang beses ko pa nga lang sila nakita, noong birthday pa lang ng anak nilang si Matt tapos gusto na akong isama?
"Bakit daw? Anong meron?" Tanong ko. Birthday ba ng mama niya?
"Hindi ko alam, hindi ko nga rin alam kung bakit sa lahat ng kaklase ko ikaw ang gustong isama ni Mama." Napanganga ako ng konti sa sinagot niya.
"Anong pinapalabas mo?" Ani ko at halos batuhin kami ng libro ng librarian teacher dahil medyo napalakas ang boses ko. Shit talaga ang isang ito, mapapahamak pa ako dahil sa kaniya.
"Wala ah, kahit nga ako nagtataka sa inaakto ni Mama. Simula nung.." Hindi niya matuloy tuloy ang sinasabi kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Simula ng?"
"Simula nung.. makita niya tayong magkasama sa labas ng bahay." Umiwas siya ng tingin at nagpanggap na may binabasa sa binubuklat niyang libro.
Halos masamid ako sa sariling laway.
Birthday niya noon at um-attend kaming lahat, mga panahong pakunti na ng pakunti ang cases ng virus kaya naghanda sila at nag-imbita ng mga bisita. Bumili rin ako ng regalo para sa kaniya pero nakalimutan ko naman dalhin at naalala ko lang nang nakauwi na ako at tapos na ang event.
Hinabol ko ang regalo at bumalik sa bahay nila, patulog na sana sila no'n pero nang-istorbo pa ako para sa nakalimutan kong gift. Tapos ay nakita nila kami sa labas na naguusap kaya sinabi ko naman na para sa regalo ko na nakalimutan kong dalhin para ibigay.
Dapat nga ay mas na-badtrip pa ang mga magulang niya sa'kin dahil nang-istorbo pa ako ng gabi. Tapos ngayon ay aayain ako?
"Ano bang meron? Sinong may birthday?" Tanong ko ulit pero umiling siya.
"Wala, tuwing linggo kasi ay nagsisimba talaga kami. Alam mo naman kung bakit 'di ba? Pero hindi ko talaga alam kung bakit gusto kang isama ni Mama, pero kung ayaw mo sasabihin ko nalang sa kanila. Maiintindihan naman nila 'yun." Bumuntong hininga siya at parang tumamlay pa ang mukha.
Ano yan?
"Titignan ko kung wala akong gagawin ng araw na 'yan." Sagot ko. Minsan kasi ay umuuwi ang parents ko sa bahay tuwing weekend at ayaw nilang wala kami ni kuya sa bahay dahil yun lang ang araw na pwede kami magsama-sama.
YOU ARE READING
School Of Elites
Teen FictionElierimount International High School. There is a school that is leading the country because of the unique talents and high intelligence of its students. However, the beauty of the school is that it also causes pain in the pockets of some due to the...