KABANATA 17:
~Lana~Nakakainis...
Pinaglalaruan ako ng dalawang iyon.
Kanina pa ako naghahanap dito, ilang silid na nga ang pinasok ko para lang mahanap sila pero bigo ako.
Nasaan ba nagsusuot sina Tang at Alya?
*Bugsh!*
"Ay palakang butiki!!" Napatalon ako sa gulat. Halos mahulog yung puso ko sa pagkabigla, bigla ba namang bumukas ang pinto ng silid na nasa tapat ko lang.
Minumulto ata ako, bumubukas nalang yung pinto kahit wala namang tao na nagbukas nito.
"Uhmm tao po?" Sumilip ako sa loob pero wala akong nakitang tao kaya hinawakan ko yung doorknob para sana isara ito.
Pero hindi ko pa tuluyang naisasara yung pinto nung...
"Huh huh huh huh t-tulong." Isang boses ng babae ang biglang narinig ko. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya dahil mahina at parang hirap na hirap magsalita.Binuksan ko ulit yung pinto and this time, pumasok na ako sa loob ng silid para makita kung kaninong boses ang naririnig ko.
"Tu-tulong..." Nabungaran ko ang isang babaeng nakasalampak sa sahig at mahigpit ang hawak niya sa dibdib. Basang basa siya ng pawis, marumi ang mga kamay at ilang bahagi ng damit niya.
"N-na-nahihirapan akong huminga!" hirap na hirap na sabi niya.
Halos pumula ang buong katawan ko sa nakita, nilapitan ko siya habang natataranta kung ano ang dapat gawin.
Huminga ako ng malalim at sinubukang kumalma. Pumikit ako at inalala ang mga pinag-aralan namin during work immersion noong senior high school ako.
Nilapitan ko agad siya saka marahang inangat ang balikat at ulo niya then pinaupo.
Tinanggal ko ang tali ng manipis niyang damit para maayos siyang makahinga.
"Breathe with me... Hinga ng malalim... Hinga..." Sinabayan ko siya sa paghinga ng malalim saka pinakawalan ang hangin nang dahan dahan.Ginawa namin ito ng ilang minuto hanggang unti-unting bumubuti ang lagay niya.
"Epklse kke..." Hindi ko maintindihan ang sinabi niya sa sobrang hina ng boses niya kaya itinuro nalang niya ang isang baso na nakalapag sa mesa na malapit lang sa akin.
Kinuha ko yung tinuro niya.
Naamoy ko ang pamilyar na halimuyak mula sa laman ng basong ginto. Pareho sa gamot na ipinainom sa akin ni Kali kanina, ang pinagkaiba lang ay ang kulay. Kayumanggi ang kulay ng likidong laman ng baso habang ang sa akin ay kasing kulay ng tubig.
May sakit din ba siya sa puso tulad ko?
"Ito?" tanong ko habang ipinapakita sa kanya yung hawak ko.
Tumango lang siya bilang sagot saka kinuha sa akin yung baso't tinungga hanggang naubos ang laman nito.
"Salamat..." sabi niya sa akin. Umupo siya ng maayos at hinarap ako.
BINABASA MO ANG
The Journey of Detective Lana Ilanina
FantasySi Lana Ardelle ay isang first year criminology student na mahilig sa pagbabasa ng mga detective novels. Paborito rin niyang panoorin ang sikat na Japanese anime movie na ang pamagat ay Case Closed at kilala rin sa pamagat na Detective Conan. Pangar...