KABANATA 20:
~LANA ILANINA~Nang matapos ang pagtatanghal, nagpalakpakan kaming lahat.
Hindi mapigilan ng ibang mapahagulgol sa sobrang lungkot ng kwento ng palabas.
“Ang ganda noh?” sabi ko sa katabi ko pero paglingon ko ay hangin na pala ang kausap ko.
Dahil tutok na tutok ako sa palabas, hindi ko na namalayang wala na pala si Ahro sa tabi ko.
Saan nagpunta yun?
Pshhh, nevermind. Umalis na siguro 'yon.
"Lina!" medyo sigaw ko nang matanaw ko si Lina, tulala at malagkit ang tingin sa stage. Nakita ko magkahalong emosyon sa kanyang mukha, hindi kaya ay masyado siyang naapektuhan sa pagtatanghal?
"Lina!" Lumapit ako at tinawag siya ulit. This time, lumingon na siya sa akin na tila bumalik sa katinuan.
Ngumiti siya sa'kin but her eyes... Namumula ang mata niya na para bang pinipigilan niyang maluha.
"Binibini... may kailangan ka ba?"
"Nasaan ang iyong binibini?" tanong ko agad.
Hinanap ko sa paligid si Sanya pero hindi ko siya nakita."Ahh, s-sinundan niya si punong Saulo," sagot nito.
"Punong Saulo? Hindi ba yun yung may-ari ng bahay-tanghalan na ito?"
Tumango siya bilang sagot sa tanong ko.
"Matagal nang humahanga ang aking binibini sa husay ng paggawa ng palabas ni Punong Saulo kaya pagkatapos na pagkatapos ng pagtatanghal ay agad niyang sinundan ito sa labas upang makausap," paliwanag niya.
Tumango nalang ako.
"Aalis muna ako sandali binibini, susundan ko lamang si binibining Sanya sa labas," paalam niya sa akin sabay alis.
"Sandali," pigil ko saka hinawakan siya sa kamay.
"Ayos ka lang ba, namumula ka ah? Bakit tila malungkot ka?" Nagtataka kong tanong pero umiling siya at itinanggi ang sinasabi ko.Umiwas siya ng tingin;
"Hindi binibini, bakit naman ako malulungkot? Namumula lamang ako marahil sa napanood natin kanina."She's lying...
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka siya nagpaalam muli. Hindi ko na siya pinigilan pang umalis.
Hayss...
Ngayon, mag-isa nalang ako dito. Iniwan na nila akong lahat.
Umupo na lang ako sa harapan at matiyagang hinintay ang mga kasama ko. At dahil wala akong magawa, nakinig na lang ako sa mga nag-uusap sa paligid ko.
"Kakaibang pagtatanghal ang inihandog ni punong Saulo ngayon. Balita ko'y ukol sa komedya ang dapat na itatanghal nila ngayon ngunit bakit nagbago ang kanyang pasya?"
"Iyan din ang aming ipinagtataka, matagal naming pinaghandaan ang pagtatanghal na ukol sa komedya ngunit kailan lamang ay nais niyang ibahin ito. Ipinagpipilitan pa niya kahit walang kasiguraduhang magiging maganda ang pagtatanghal dahil sa kakulangan sa panahon ng pag-eensayo," ginoong musikero.
"Hmmm... Ano kaya ang dahilan ng punong Saulo ukol dito?"
"Anumang dahilan, siya lamang ang nakakaalam."
"Maiba tayo ng usapan, nasaan na pala ang mga uldog na nagtatanghal kanina? maaari ba naming makita kung sino-sino ang mga nasa loob ng mga ito?"
"Kasama ni punong Saulo na umalis kanina ang mga hinahanap niyo," ginoong musikero.
![](https://img.wattpad.com/cover/271859249-288-k175522.jpg)
BINABASA MO ANG
The Journey of Detective Lana Ilanina
FantasiSi Lana Ardelle ay isang first year criminology student na mahilig sa pagbabasa ng mga detective novels. Paborito rin niyang panoorin ang sikat na Japanese anime movie na ang pamagat ay Case Closed at kilala rin sa pamagat na Detective Conan. Pangar...