KABANATA 22:
~LANA ILANINA~
Bumalik na kami sa palasyo pero hindi ako bumalik sa kwarto ko. Nandito ako ngayon sa pinakamalaki himpilan kung saan dinadala ang mga nagkakasala ng malaki. Dito rin dinala si Lina dahil sa pagpatay niya sa anak ng isang makapangyarihang pamilya.
“Patawad.. patawad.. patawad... patawarin mo ako binibining Sanya sa aking ginawa.”
Mula rito sa labas ng kulungan niya, naririnig namin ang boses ni Lina.
“Buksan ang pinto,” utos ni heneral Abalye na ginawa nila.
Pumasok sa loob ng kulungan si heneral Abalye kasama ang dalawang kawal saka sapilitan na inilabas si Lina.
“S-saan niyo ako dadalhin?” nanghihinang tanong niya pero walang sumagot sa kanya.
Dinala namin siya sa isang kulungan kung saan tinakpan namin ng makakapal na tela ang paligid ng kulungan para hindi niya makita ang iba pang presong mga nasa kanilang sarili ring kulungan.
“Bakit niyo ako dinala dito? Anong gagawin niyo sa akin?” sunod-sunod na tanong ni Lina.
Iginapos siya sa isang upuan para hindi makawala.
“Huwag kang mag-alala, dinala ka namin rito upang siyasatin sa nangyari kay binibining Sanya,” sagot ni heneral Abalye.
“Hindi ba’t inamin ko na sa inyo na ako ang pumatay kay Sanya... ano pa ang saysay ng pagsisiyasat ninyo kung nasa harapan niyo na ang tunay na may sala!”
“Dahil marami pang katanungan ang dapat na masagot. Hindi pa namin batid kung ano ang dahilan kung bakit mo pinaslang si binibining Sanya at kung ano ang tunay na ginawa mo sa kanya,” sabi ko.
Inatake sa puso si Sanya na naging dahilan ng agaran niyang pagkamatay. Sa pagkakaalam ko, takot si Sanya sa dugo at sa hinuha ko ay nakita niya ang mga duguang uldog sa lumang bahay kaya’t iyon ang dahilan kung bakit siya inatake sa puso.
Ang tanong ngayon ay kung bakit duguan ang mga uldog at kung si Lina ang tunay na may sala, bakit gumamit siya ng duguang uldog para takutin si Sanya, anong dahilan niya?
“Nasaan si Punong Saulo? Anong ginawa niyo sa kanya?”
Nagkatinginan kami ni heneral Abalye dahil sa biglaang tanong niya.Sa seryosong usapang ito, nagawa pa niyang isingit ang tanong na iyan?
“Masyadong nanghina si Punong Saulo dulot ng mga naganap sa kanyang tahanan kung kaya pinagpasyahan niyang lisanin ang Aigoria,” pagbabalita ko sa kanya.
“At paano ako nakakasiguro na nagsasabi ka ng totoo?”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ano naman ang dahilan para magsinungaling ako sa’yo? Kung hindi ka naniniwala... ito.” Inilabas ko ang isang plawta saka inilapag sa kandungan niya.
“Bago siya lumisan, nakiusap siya sa akin na ibigay sa’yo ang pinaka-iniingatan niyang plawta. Sagisag ng pagpapasalamat niya sa’yo at sa iyong pag-amin sa nagawa mong pagkakamali. Nais niyang manatili ka rito upang pagdusahan ang iyong kasalanan at huwag nang ulitin pa ang iyong mga nagawa,” seryoso at mahabang saad ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/271859249-288-k175522.jpg)
BINABASA MO ANG
The Journey of Detective Lana Ilanina
FantasíaSi Lana Ardelle ay isang first year criminology student na mahilig sa pagbabasa ng mga detective novels. Paborito rin niyang panoorin ang sikat na Japanese anime movie na ang pamagat ay Case Closed at kilala rin sa pamagat na Detective Conan. Pangar...