KABANATA 08:
ANG BABAE SA TABING ILOG
~Lana~Pagkaalis ko ng bahay nina Nana, tumakbo ako agad papunta sa direksyon kung saan ako naglakad kanina.
"Hanggang ngayo'y hindi pa rin natin natatagpuan ang prinsesa, tiyak akong ikagagalit nanaman ito ng hari," rinig kong sabi ng isang kawal sa kausap niya.
Nagtago ako agad sa likod ng puno para hindi nila ako makita.
"Nilibot na natin ang maaaring pupuntahan ng prinsesa ngunit hindi pa rin natin siya mahanap. Hindi kaya'y nakalabas na siya ng kaharian?"
"Hindi maaaring makaalis ng Aigoria ang prinsesa sapagkat marami na akong pinadalang kawal sa unang tarangkahan kaya't hindi siya makakaalis ng hindi napapansin ng mga kawal. Tiyak akong naririto pa ang prinsesa sa loob ng kaharian,"
Prinsesa?
"Kung gayo'y nasa'n siya?"
Sinilip ko ang mga nag-uusap na kalalakihan at nakita ang paparating pang mga mamang nakasuot ng matigas na damit.
"Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba't dapat ay naroroon kayo sa unang tarangkahan?" tanong ng lalaki sa mga bagong dating.
I saw them bow their heads before answering the question.
"May mga naiwang nakabantay na mga kawal sa unang tarangkahan at nagpadala na rin ako ng isa pang pangkat upang magbantay doon heneral Aparo," sagot ng isa sa kanila.
"Naparito lamang kami upang ibalita sa inyong dumating na ang mga hukbong mula Oisia sa pamumuno ni heneral Ahro," dagdag pa niya.
Heneral Ahro?
Nakita ko ang biglang pagkainis ng sinasabi nilang heneral Aparo nang marinig ang pangalang iyon.
"Heneral Ahro..... Ang walang pusong heneral ng Oisia," ani ng heneral saka ngumisi.
"Nasaan siya ngayon?" tanong nito.
"Inihatid namin ang heneral sa tahanan ng mga panauhin ng hari kanina lamang."
"Ngayong narito ang mga kawal ng Oisia na susundo sa ating mahal na prinsesa, ano na ang gagawin natin ngayon? Hindi nila maaaring malaman na nawawala ang prinsesa."
"Tama ang kanyang tinuran, tiyak na mapapahiya ang ating mahal na hari kapag nalaman niya ito." Rinig kong usapan nila.
Mukhang seryoso ang mga pinag-uusapan nila tungkol sa prinsesa at ugnayan ng dalawang kaharian.
"Kinakailangan nating mahanap agad ang prinsesa sa lalong madaling panahon, dapat bago mag-umaga ay nasa loob na siya ng palasyo ng hari," giit ng heneral nila.
"Masusunod heneral," sabay-sabay nilang sabi habang nakayuko.
"Ipatawag niyo ang heneral Abalye at ipagbigay alam sa kanya ang pagdating ng mga kawal ng Oisia," muling utos ng heneral bago umalis ang mga tauhan nito.
"Heneral Aparo!" sigaw nila habang tumatakbo papalapit sa heneral.
Dali akong umupo para hindi nila ako makita sa pinagtataguan ko.

BINABASA MO ANG
The Journey of Detective Lana Ilanina
FantasiSi Lana Ardelle ay isang first year criminology student na mahilig sa pagbabasa ng mga detective novels. Paborito rin niyang panoorin ang sikat na Japanese anime movie na ang pamagat ay Case Closed at kilala rin sa pamagat na Detective Conan. Pangar...