KABANATA 30:
[PAGKALIPAS NG DALAWANG ARAW]
"Ar'thea, narito na tayo sa Yotakh," pag-uulat ni heneral Abalye.
Natanaw ng Ar'thea mula bintana ng karwahe ang pagpasok nila sa bayan ng Yotakh.
Maraming mga palamuti ang nakasabit sa kanilang tahanan, marami ring mamamayan ang nagkakasiyahan ngunit nagsitigil ang lahat sa pagdating ng mga panauhin at sunod-sunod silang lumuhod sa lupa bilang pagbibigay pugay sa Ar'thea ng Aigoria.
Maya-maya pa ay sinalubong sila ng pinuno ng bayang ito at ginabayan sila papunta sa pansamantala nilang tutuluyan.
Tumigil ang karwahe sa tapat ng isang marangyang bahay, hindi kalayuan sa dagat.
"Nais kong lumabas," pabulong na saad ng Ar'thea na nasa loob pa rin ng karwahe, tatanggi pa sana ang heneral ngunit napangunahan siya nang lumabas ang Ar'thea. Nakasuot ito ng mahabang tela na tumatakip sa kanyang pang-itaas na bahaging katawan, walang anuman ang makikita maliban sa kanyang mga mata dahil sa may dalawang butas sa suot na tela.
"May sasabihin ka pa?" ani ng Ar'thea.
Umiling ang heneral at hindi na pinigilan ang paglabas nito."Nasaan tayo?" tanong ng Ar'thea nang makita ang makita ang marangyang bahay.
"Narito tayo sa tahanan ng Pinuno ng bayan ng Yotakh, mahal na Ar'thea," Heneral Abalye.
Naglakad sila patungo sa malaking pintuan ng marangyang bahay kung saan doon sila sinalubong ng may-ari kasama ang kanyang pamilya.
Lumapit ang isang matanda sa kanya kasunod ang mga kasama saka sabay na lumuhod sa harap ng Ar'thea bilang pagbibigay galang.
"Mahal na Ar'thea, ako ang iyong lingkod Lei'erh Mido, ang pinakamahusay na pinuno ng bayan ng Yotakh. Ikinagagalak ko na kayo ay makilala Ar'thea at isa ring karangalan na kayo ay narito sa aking tahanan," masayang pagpapakilala ng matanda.
Sinenyasan ng Ar'thea na sila ay tumayo.
"Ikinagagalak ko rin na kayo ay makilala. Maraming salamat din at kami'y iyong pinatuloy sa iyong tahanan," mahinhing saad ng Ar'thea.
"Isang karangalan mahal na Ar'thea, isang karangalan." Lei'erh Mido.
"Ang aking marangyang tahanan ay nararapat lamang tirhan ng isang maharlikang katulad ng mahal na Ar'thea, huwag kayong mag-alala sapagkat bago kayo dumating ay ipinahanda ko na ang lahat ng iyong mga kakailanganin at nakatitiyak akong ikakatwa niyo ang pagtungo dito sa bayan ng Yotakh na aking mabuting pinamamahalaan sa ngalan ng magiting na Hari ng Aigoria," mahabang saad ng masayang matanda.
Tumango-tango na lamang ang Ar'thea at ipinagsawalang bahala ang pagyayabang ng matanda.
"Ang iyong pamilya?" palagay ng Ar'thea.
Hindi niya napigilang mapansin ang mga kasama ng matanda na tila nakalimutan nitong ipakilala."Siya nga pala mahal na Ar'thea, ipinakikilala ko ang aking napakagandang asawa na si Ermida." Hinila niya sa kanyang tabi ang isang magandang binibini na halos kasing edad lamang ni Ar'thea Ilanina.
"At ito naman ang aking nag-iisang anak na si Arman at ang kanyang mapapangasawa, si binibining Rina," pagpapakilala ng Lei'erh.
"Ikinagagalak ko kayong makilala."
Pagkatapos, ilang sandali pa pumasok na sila sa loob ng marangyang bahay.
"Batid kong mahaba ang inyong nilakbay mahal na Ar'thea kung kaya't ako na isang Lei'erh ng bayan ng Yotakh ang siyang maghahatid sa iyong napakaganda at napakalaking silid upang ikaw ay makapagpahinga," ani pa ng matanda.

BINABASA MO ANG
The Journey of Detective Lana Ilanina
FantasySi Lana Ardelle ay isang first year criminology student na mahilig sa pagbabasa ng mga detective novels. Paborito rin niyang panoorin ang sikat na Japanese anime movie na ang pamagat ay Case Closed at kilala rin sa pamagat na Detective Conan. Pangar...