KABANATA 09: ✓

102 8 0
                                    

KABANATA 09:
ANG BABAE SA TABING ILOG


“KASINUNGALINGAN!”


YES!

Sa wakas!


Mabilis na tinungo ng nagtatagong dalaga ang kinaroroonan namin.
Napangiti ako dahil sa wakas ay nagpakita na siya.

Go girl! That’s the spirit!

“Sino ka? Ang lakas ng loob mong manghimasok sa aming---” hindi niya pinatapos sa pagsasalita ang heneral.

“Ako… Ang ang nakasaksi sa nangyari kay Amina, batid ko kung sino ang pumaslang sa kanya.” Nanginginig ang boses niya, halata ang takot at kaba ngunit pinipilit niyang maging matapang.

“Kung gano’n ay sino? Sino ang tinutukoy mong pumaslang sa biktima?” ani ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila palapit sa akin.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at itinuro ang tatlong matapobre.
“Walang iba kundi ang tatlong ‘yan! Sina Olo, Sado at Imagdo!”

“KASINUNGALINGAN!” sabay na pagtangging pasigaw ng tatlong salarin.

“Hindi namin matatanggap ang ganyang klaseng pag-aakusa!” sigaw ni Sado.

“Isa kang lapastangan at sinungaling!” sigaw ni Imagdo.

“Dakpin niyo siya ngayon din at parusahan dahil sa kanyang kasinungalingan!” sigaw ni Olo.
Sunod-sunod pagsigaw ng tatlong inaakusahan. Walang ibang makikita sa kanilang mukha kundi galit ngunit bakas pa rin ang kaba.

“Huminahon kayo mga ginoo,” pagpapakalma ni heneral Aparo ngunit hindi pa rin sila tumitigil sa kanilang pagsigaw.

“Papaano kami hihinahon kung inaakusahan kami sa salang hindi namin ginawa!” sigaw muli ni Olo.

“Siyang tunay!” pagsang-ayon naman ni Sado

“Dinudungisan niya ang aming dangal!” gayundin si Imagdo.

Napailing na lamang ako at hinintay matapos ang mga nagwawalang lalaki.

Saka lamang sila natigil nang maglabas ng sandata si heneral Ahro at tinutok ang mahabang patalim sa leeg nilang tatlo.

“Isa pang salita, tatanggalin ko ang inyong dila,” nakakatakot niyang banta, pagkatapos, tiningnan niya ang umiiyak na dalaga bilang senyales na maaari na siyang magsalita.

Tumango ang dalaga at inalis ang sira-sirang telang tumatakip sa kanyang mukha.
Napasinghap ang lahat nang makilala ang dalaga maliban kina heneral Ahro, Lana at iba pang hindi nakakakilala sa kanya.

“Ako si Kara, ang nakababatang kapatid ni Amina,” pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

Hindi maitatangging kapatid siya ni Amina sapagkat mula ulo hanggang paa, kamukhang-kamukha niya ito, iilan lamang ang mapapansing pagkakaiba sa kanilang pisikal na katangian.

“Ako ang saksi sa pagpaslang sa aking kapatid… Nakita ko kung paa—paano siya pinaslang ng TATLONG ‘YAN!” Malakas niyang sigaw habang itinuturo ang tatlong salarin na sina Olo, Sado at Imagdo. Namula ang kanyang mga mata kasabay ng pagpatak ng kanyang luha dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman niyang galit, pagkamuhi, lungkot at pighati.

The Journey of Detective Lana IlaninaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon