Chapter 2

438 14 0
                                    

Elora

Life is truly interesting talaga, tingnan mo nga naman at sya ang nasa harap ko ngayon.

Nasa harap ko si Ingrid Valentine Silva.

I mean sa harap naming lahat.

Hindi pa rin ako sigurado kung sa akin ba talaga nakatingin ang babaeng ito pero nung nagtama ang mata namin ay mukang hindi maganda ang timpla nito kaya nagiwas ako ng tingin.

Ang dilim ng aura nya kaya alam mong seryoso.

Dahil sa kanyang presensyang nakakatakot na bumalot sa buong silid ay natahimik ang buong classroom.

Lahat sila ay napaupo ng maayos kaya pati ako umayos na rin.

Makalipas ang isang minutong pag iikot ng tingin nito sa aming lahat ay  naglakad sya papunta sa harap ng teacher's table at sinandal ang kanyang pambaba sa lamesa habang nakakrus ang dalwang kamay nito at nagsalita.

"I'm Ingrid Valentine Silva and I'll be your professor for this whole semester" malamig nyang saad.

Halata ang pagkagulat sa aking mga kaklase.

Nagjojoke ba 'tong babae na to? Hindi ako natutuwa.

Nagsimula namang magbulungan ang mga studyante, ang iba naman ay tuwang tuwa sa inanunsyo ng propesora.

Habang ako naman ay natigilan sa kinauupuan at hindi ko alam ang aking nararamdaman. Para bang tumigil ang pagdaloy ng dugo ko sa katawan. Nahihirapan akong huminga sa narinig kaya pinapakalma ko ang sarili.

Seryoso ba talaga sya? Sya na talaga ang prof namin?

Pinaglalaruan ko ang aking kamay dahil sa kaba habang nakatitig lamang sa harap. Ito kase ang ginagawa ko kapag kinakabahan, nilalaro ko ang kamay ko para kumalma. Kinalakihan ko na rin tong gawaing ito kaya hanggang ngayong malaki na ako ay dala ko pa rin. Si Azra naman ay biglang umimik na naging dahilan para ako'y magulat.

Hobby nya siguro ang mang gulat.

"That hottie is our professor?" sambit nya kaya napalingon ako sa kanya.

"This is going to be an interesting school year!" nakangiti pang dagdag nito.

Wala akong nagawa kundi ang mapa kurap kaya mahinang natawa si Azra.

Hindi na nga ako mapakali sa inanunsyo nung isa tapos ito namang kaabay ko dumagdag pa.

"Silence." malamig na sambit ni Ingrid.
Kahit na nagiingay ang mga studyante ay nangibabaw pa rin ang boses nito.

May mic siguro to sa ngala ngala, ang lakas ng boses.

Agad namang tumahimik ang paligid but I'm still dumbfounded.

Lutang ba ganon.

Ewan ko ba pero natetense ako.

All throughout the 2 hour period, tahimik ang klase. Wala nang ibang umimik kundi ang propesora.

Sino ba namang hindi tatahimik eh parang mangangagat itong si Ingrid pag may nagsalita. Sa talim palang ng mata nya ay kakabahan kana talaga.

Kahit kami ni Azra na trouble maker noon ay natahimik. Pero mangha rin ako kay Azra dahil parang hindi sya natatakot. Wala man syang ginagawa pero mukang may malalim na iniisip.

May mga pagkakataon na magtatama ang mga mata namin pero nagiiwas din naman ako. Gusto pa ata ni Ingrid makipag staring competition sa akin.

Sabaw ata ang isip ko buong klase basta nag discuss lang sya ng mga kung anong aasahan naming matutunan at nag discuss na rin sya ng konti sa subject nya.

Be My Forever, ProfessorWhere stories live. Discover now