Chapter 9

223 7 0
                                    

Elora

"Fuck" mariin kong mura pag kamulat ng aking mga mata. Napaka sakit kasi ng ulo ko dulot na rin ng hangover.

Bakit pa kase ako uminom.

Pag kamulat ko ng aking mga mata, ipinalibot ko muna ang aking tingin sa napaka laking silid at nang mapagtanto kong wala ako sa kwarto ko ay bigla naman akong nagulat.

Wala ako sa kwarto ko but I'm in Ingrid's room.

Pano ako nakarating dito?? Pano ako umuwi kagabi?? Did she brought me here?? What happened last night?

Hindi pa ako makaget over sa iniisip ay nahagip ng mata ko ang aking kasuotan at nakita kong naka pantulog na pala ako.

As far as I can recall, wala akong naalalang nag palit ako kagabi. Hindi kaya sya din ang nag palit saakin? Does it mean na nakita nya buong katawan ko? Pero that's absurd, baka naman si Manang ang nag palit sa akin. Ano ba yan, kainin na sana ako ng lupa. Nakakainis.

Lalong nanakit ang ulo ko kakaisip. Wala akong naaalala kagabi simula mag punta ako ng veranda, but the rest di ko matandaan kaya nag tataka ako pano ako nakauwi. Altough, I have a vivid memory of last night sa pag uusap namin ni Ingrid sa veranda but I'm not even sure kung tunay ba yon o nananaginip lang ako.

Napasapo nalang ako sa ulo at umayos ng upo sa kama para sana magisip kaso nagulat naman ako nang may biglang kumatok.

Si Manang pala.

Bahagyang naka awang naman ang pinto kaya nung nakita ako nitong gising ay pumasok na ito.

"Anak, gising kana pala. Kamusta ang ulo mo?"

"Ahh, o-ok lang naman po Manang" tugon ko na halatang kakagaling lang sa gulat.

"Eto uminom ka ng gamot at tubig pampawala ng hangover mo" nakangiting saad ni Manang habang inaabot sa akin ang tray na may nakapatong na tubig at gamot.

Inabot ko ang tray para na rin makainom na agad kase sobrang sakit na rin ng aking ulo.

Pag kainom ko ng gamot, hindi ko mapigilang hanapin si Ingrid kaya tinanong ko na si Manang.

"Manang, have you seen Ingrid po?

"Nasa office nya sya anak, mukang nag tratrabaho."

"Ah ganon po ba" tumango nalang si manang bilang tugon kaya naisip ko na tanungin na rin sya kung sino nag hatid sakin dito sa kwarto ni Ingrid para naman hindi nananakit ang ulo ko kakaisip.

"Ma-manang, sino po ang nag dala sa akin dito kagabi? Wala po kasi akong masyadong maalala." Kahit nahihiya ako ay nilaksan ko na ang loob ko mag tanong para naman mabawasan na ang mga tanong sa isip ko.

Nakita ko namang bahagya pang tumawa si Manang bago sumagot.

"Asawa mo anak."

"Ho??, Sya po talaga?"dagdag kong tanong kahit hindi pa ako nakakarecover sa sinabi ni Manang. Hindi ko naman prinoproblema ang aking timbang dahil magaan naman talaga ako, kahit nga siguro si Manang ay kaya ako eh. Ang iniisip ko ay pwede naman nya akong ipabuhat sa iba or kahit naman siguro gisingin man lang ako para makaakyat ako mag isa mag papaalalay nalang ako pero sya talaga mismo ang nag dala sakin dito?

Tumango nalang ito habang may mapag tuksong ngiti sa mga labi.

Hindi ko na nakuhang dugtungan pa ang aking tanong dahil hindi ko na talaga alam ang sasabihin. Did she really do that? Parang ang hirap naman paniwalaan pero eto na nga oh, si Manang na ang nag sasabi.

Napabuntong hininga nalang ako kaya napatawa nalang ulit si Manang.

"Oh sya, mag ayos kana muna at bumaba ka na para mag tanghalian" dagdag pa nito pag katapos ay umalis na ng silid kaya naiwan ako mag isang nakatunganga

Be My Forever, ProfessorWhere stories live. Discover now