Elora
It's almost eleven pm and I haven't slept a wink.
Ang dami kasing napasok sa utak ko and kasalan to ni Ingrid. Why does she have to talk to me like that, pwede naman syang lumayo. Nakakagigil talaga ang taong yon.
I've tossed and turned pero hindi pa rin ako makatulog kaya I gave up. Since di rin naman ako makakatulog dahil iisipin ko lang ang nangyari kanina, mabuti pang mag aral nalang ako para naman makasabay ako kung sakaling may lesson agad bukas.
Tumayo na ako at nag lakad papunta sa study table. Sa salas sana ng second floor ako magaaral para maaliwalas ang paligid kaso hindi ako makalabas dahil baka makita ko na naman sya. Bumaba lang ako kanina para kumain pero tumaas na agad dahil ayoko pa talaga sya makita ngayon especially after that conversation.
Alam ko naman kase na ayaw nya sa situation namin. I know na ayaw nyang nakakasal din sa akin kaya I'm really trying to find a way to get rid of her para ba makipag divorce na ito sa akin so that I could go back to America and para na rin makabalik sya sa normal na buhay nya. That's why I'm confused sa sinabi nya kanina. Bakit nya ako proprotektahan pa eh I could take care of myself naman. Siguro she's just acting para hindi masira ang kasunduan ng pamilya namin.
Tama, ginagawa nya lang siguro ito para sa kontrata and nothing more.
Nilabas ko na ang aking notebook and ballpen sa bag at inopen ko na rin ang ipod na nakapatong sa desk. Nilagay ko ito sa youtube kung saan ako makikinig ng explanation video tungkol sa maging possibleng lesson namin bukas. Nagbigay na naman ng lessons ang school kaya alam ko na ang aaralin. Nung nakapili na ako ng video ay nagsimula na akong makinig at magsulat.
Hindi pa man nakakakalhati ang video ay nakaramdam ako ng antok kaya napahikab ako. Bakit kung kelan nagaaral ako tsaka ako inantok?
Abnormal.
Kahit na antok, determinado pa rin akong makinig kaya plinay ko pa rin ang youtube video at nagpatuloy sa pakikinig at pagsusulat.
Nag tagumpay naman at natapos ko ang isang vid ngunit may part 2 pa pala ang discussion kaya kailangan ko pa itong panuorin para maintindihan ko lalo ang topic.
Dahil natapos ko na naman ang part 1 ay naisip kong kailangan ko rin ng reward. 11:37 na rin naman kase ng gabi at medyo antok na talaga ako kaya naisip kong ang reward ko ay matulog muna ng 10 minutes para naman maenergize ang utak ko para ready sa pakikinig.
Nag alarm muna ako sa cellphone ko at tinabi ang gamit sa desk. Doon nalang ako uubob dahil baka pag humiga pa ako sa kama ay tamarin na akong bumangon.
And just like that nakatulog na ako.
I woke up feeling sore sa buong katawan kase matigas din naman ang pinag tulugan ko.
Nagising ako dahil tinapik ako ni manang.
Weird ah, ang tagal naman tumunog ng alarm ko. Yun na ata ang pinakamahabang 10 minutes ng buhay ko.
"Anak, gising ka na. Bakit ka ba dyan natulog?" halata ang pag aalala at pagkagulat sa tono ng boses ni Manang Cora.
Hearing her voice na gumising sa akin made me shook. Bakit naman gising pa ito eh mag twe-twelve na ng umaga?
Nagmulat ako ng mata at sumilip agad sa bintana.
Madilim pa naman sa labas ah kaya napalingon ako kay Manang Cora to check kung di ba ako nananaginip pero to my surprise, nasa likod ko lang ito at nakatingin sa akin na parang nag aalala.
"Manang, ano pong oras na, bakit hindi pa po kayo natulog?" sambit kong naguguluhan habang nakatingin kay manang.
"Anong sinasabi mong bata ka, 5:30 na ng umaga nak."