Chapter 3

339 11 0
                                    

Elora

*alarm bell ringing*

The bell rang indicating that classes are over.

"Finally!" pasigaw na sabi ni Azra, hindi naman sobrang lakas, tama lang para marinig ko at nang mga nasa harap namin.

"Class dismissed. Again, it was nice meeting you all class. I hope we could be more closer in the coming days" masayang sabi ni Prof Ejercito. Sya ang huling subject namin for today, buti naman mabait din sya pati yung ibang prof.

They're all professionals pero minsan parang tropa mo lang kung magsalita yung ibang profs. Hindi namin nameet lahat ng prof dahil paiba iba raw ang sched kaya siguro the following days pa namin sila makikilala.

Kanina nga pala ay walang opening program na aking ipinagtaka. Karaniwan kase ay laging meron kaya tinanong ko si Azra dahil baka niresched lang nila ang program pero sabi nya ay wala na daw ganon dito sa Silva State University.   Ang tanging meron nalang dito ay ang welcoming party para sa mga freshmen students na gaganapin sa friday. Buti pa sila may pawelcome party. Dagdag din ni Azra na lagi daw bongga ang welcome party ng mga freshmen dito kaya lalo akong nainggit. Pwede naman daw ang iba na pumasok dito kaya inaya na rin ako nina Azra. Parang may pa dinner lang raw ito pero sa dulo ay may pa concert ng mga sikat na band.

Ewan ko nga ba sa school na ito, ang daming pakabog pero di na ako aangal kase wala din naman akong gagawin sa bahay kaya mabuti pang umattend nalang ako dito. Ang tagal ko na ring di nakapag party kaya susulitin ko na.

Di ko namalayan na nakalabas na pala si Prof. Ejercito kaya nagsimula na ring mag tayuan ang mga kaklase ko. Nagsimula na rin akong mag ayos ng gamit para makauwi na dahil gusto ko kausapin si Ingrid.

Nagmamadali kong inimpake ang aking notebook na nilabas pati na rin ang ballpen. Napatigil ako nang unahan ako ni Azra sa pagdampot sa ballpen ko na nakapatong sa lamesa ko.

"Elora, kung di ko pa damputin ang ballpen mo eh di mo pa ako papansinin." saad nito na parang naiirita.

"Are you alright?" dagdag pa nito na medyo bakas ang pag aalala sa mukha.

"What?" reply ko

"I've been calling your name multiple times pero di ka nasagot."

Siguro sa aking pagkadala sa aking mga iniisip ay hindi ko na namalayan na tinatawag pala ako nito.

"I'm sorry, I was just thinking about something." malamig kong saad. Wala ako sa mood eh kaya pinipilit ko nalang makipagusap.

"Oh, is that so?"

Tumango nalang ako at binalik ang atensyon sa pagaayos ng gamit.

"Since first day of class, I think it's just right kung lalabas tayo" nakangiting sabi pero nakakrus naman ang kamay nito.

"Para na rin mawala yang iniisip mo" dagdag pa nito.

Ako naman ay napapikit pikit tapos hinarap ko si Azra. Tiningnan ko ito sa mata. Matangkad din si Azra kaya halos magkalevel kami, kaso sya ay mas lumamang sa takad ng konti. Lumapit ako dito ng kaunti kaya halos dalwang hakbang nalang ang agwat namin. Hindi na naman kami naiilang sa isa't isa dahil magkaibigan kami. Tinitigan ko muna ito nang saglit tapos nagsalita.

"What if I don't want to go out?" malamig kong sabi.

At this point, pagod na ako, gusto ko na umuwi and at the same time marami akong iniisip. Azra has seen me act like this before kaya hindi nya sineseryoso, actually nagagawa pa nga nyang magpatawa kahit galit ako.

"And why is that Ms. Veneracion?" pahamon nitong sabi bagkos ay lumapit pa ng isang hakbang kaya lalo kaming nagkalapit.

Ako naman ay nagulat sa ginawa nito pero di ako magpapatinag.

Be My Forever, ProfessorWhere stories live. Discover now