Chapter 13

150 6 3
                                    

Elora

"Tick-tock, tick-tock"

Tanging tunog lamang ng aking clock ang naririnig sa aking buong silid. Kanina pa akong nakaupo dito sa aking study area habang pinipilit intindihin ang lintek na thermodynamics na ito.

It's almost midnight and I haven't slept a wink. May pasok pa ako bukas, buti nalang at 9 ang start kaya medyo makakapag puyat pa ako. Paano nga ba ako makakatulog, hindi ko maintindihan lesson namin sa thermody at hindi ko din alam kung dapat bang mag patulong ako kay Ingrid o hindi.

Mag kakalhating oras na akong nakatitig sa aking reviewer pero hindi talaga pumasok sa isip ko and to be honest, na f-frustrate na din ako. Ramdam ko na din ang antok pero judging sa gulo ng utak ko ngayon, hindi din ako patutulugin ng isipan ko.

"Elora, kapalan mo na muka mo, minsan lang 'to, and besides, sya yung nag offer ng tulong diba" pilit pag papakalma ko sa sarili.

Nababaliw na nga ata ako, pati ba naman sarili ko kinakausap ko na.

"I can do this" sambit ko sa sarili para palakasin ang loob.

Tumayo na ako sa aking upuan, ramdam ko na din ang pag kangalay ng aking pambaba sa tagal ng aking pagkakaupo. Masyado na nga ata akong nag tagal sa pag aaral kahit di naman napasok sa utak ko.

I grabbed my book, my phone, my ipad, and my reviewer, at dignidad ko din.

I mustered up all my strength at nag lakad ako patungo sa pinto ni Ingrid. Nag sign of the cross muna ako bago ako kunatok pero napansin ko na naka awang ang pinto. Hindi naman malaki ang awang, pero sapat na ito para makita ko yung table ni Ingrid pag mag aasikaso sya ng paper works.

Kita kong nakaayos ang patas ng mga papel at malinis na malinis ito. Kahit naman saan, malinis at responsable si Ingrid sa gamit nya.

Binura ko na ang iniisip at bumalik sa aking goal: Ang mag paturo sa aking terror professor.

Kumatok ako ng tatlong beses at nang walang sumagot, kay umimik na ako.

"Uhm, Ingrid." Medyo nanginginig ang boses ko pero bahala na, basta mangyari na ang mangyari.

Wala pa ring sumagot kaya tinulak ko na ang pintuan para mag bukas ito ng buo. Pag kabukas nito, walang tao sa kwarto ni Ingrid.

"P-pasok na ako ha" kabadong sambit ko pa rin.
Baka kase nasa cr lang sya kaya walang tao dito pero para sure, lumapit na rin ako sa may cr nya sa kwarto at bukas ang pinto nito ngunit wala pa ring tao.

"Asan yon?" sambit ko sa sarili matapos kong masiguro na wala sya sa kwarto.

Napaupo nalang ako sa kama nya. Malambot ito at parang sobrang sarap matulog dito, yung tipong tutulog ka tas 5 years kana bago magigising.

Ang OA sa 5 years.

Naisip ko na baka nasa baba lang si Ingrid at nakuha ng midnight snack ba, tao din naman sya na nagugutom.

As I examine her bedroom once more, may nakita akong sketch pad sa may tabi ko dito sa kama.

Hindi naman nag ddrawing si Ingrid ah, I mean not that I'm aware of, pero eto na nga oh, sketch pad.

Ingrid is truly a woman of mystery.

Out of sudden curiosity, naisipan ko itong tingnan.
Ewan ko ba, parang may kung anong inuudyok akong tingnan ito. Titingnan ko lang naman kung maganda ba drawings nya at kung ano dinadrawing nya. Wala naman akong gagawing masama.

Pag kabuklat ko ng sketch pad, may tumambad sa aking portrait ng isang babae. Nakatalikod, mukang sexy based from what she was wearing. Naka suot sya ng gown, white gown na para bang wedding gown.  Nakatali ang buhok nya at naka veil pa.

Be My Forever, ProfessorWhere stories live. Discover now