Chapter 14

296 13 2
                                    

Elora

"Hey, wake up"

A raspy voice has woken me up from my deep sleep. It was raspy and hot, but may halong sweetness at lambing sa boses. Parang bagong gising lang.

Hindi ko alam kung nanaginip ako at kung anong pumasok sa isip ko pero kaboses nya si Ingrid, imposible naman kasing si Nanay Cora ito. Nangingibabaw yung tono at yung pananalita nya sa boses na iyon.

Sa gitna ng pag iisip, bigla kong naalala na may exam nga pala ako ngayong araw at kailangan ko pang mag aral ng saglit bago ako pumasok kaso ang problema, hindi ako nakapag alarm dahil nakatulog nalang ako kagabi-

Sa kwarto ni Ingrid.

Napamulat ang aking mata nung naalala kong nandito ako sa kwarto ni Ingrid, ng professor ko. Pag ka mulat ko, ang kaniyang maaliwalas na mukha ang bumungad saakin.  Dahil bukas ang dim lights sa kwartong ito, kita ko pa rin siya ng malinaw at una kong napansin ang  kanyang mga mata. Pansing pansin ko rin ang kaniyang dark under eyes, wala naman siyang eyebags most of the time kaya nakakapanibago.

Natulog ba sya? Kung oo, saan? Malamang dito sa kama nya, pero dito ako nakahiga, so paano yun? Sa sofa kaya niya? o baka naman hindi na siya natulog dahil andito ako sa kama nya at naiilang sya saakin. Ang kapal naman ng mukha ko.

Napansin niya siguro na nakakunot ang nuo ko sa gulat at pag tataka kaya umimik na sya.

"It's only 5 in the morning, I figured you still need to study since nakatulog ka kagabi so I woke you up" malamig na tugon nito.

At nag babalik na siya. Akala ko naka ligtas na siya sa sumpa ni Elsa, yun pala malamig pa rin siya.

"Ha"

Hindi ko alam kung anong nangyayari, nakakabigla lahat kaya ha nalang ang naisagot ko. Nagising ako sa kwarto ni Ingrid, hindi ko na naaral ng lubos yung video, 5 na ng umaga, at kaharap ko si Ingrid ngayon.

Nakaka-overwhelm lahat. Todo overwhelm.

I saw a slight hint of amusement in Ingrid's eyes, and she was able to hide it. Sa galing ba naman nito mag poker face. Talagang tatawanan pa ata ako, sabog na nga tas tatawanan pa.

"Will you study? If not, bumalik kana sa tulog, you need rest" tugon nito.

Ako pa talaga ang kelangan ng pahinga sa lagay na 'to. Paano siya?

Ngayon ko lang napansin na hindi na ito naka pantulog. Nag babalik na siya sa kanyang terror professor image, very opposite sa nakita kong ayos niya kagabi, pero I'll admit, maganda si Ingrid kahit anong ayos niya.

She's wearing beige trousers with a black formal top na hapit sa kaniyang katawan. Napaka sexy niya tingnan kaya siguro maraming professors at pati na rin students ang nagkakagusto sakaniya.

Hindi nila alam, nakatali na itong professor na to.

"Ah- eh, babangon na 'ko, mag aaral pa ko saglit."
tugon ko sakaniya habang naupo ng ayos sa kama.

Kama, naalala ko nanaman. Natulog ba siya?

Tumango nalang siya bilang tugon at patalikod na nung umimik ako.

"Ingrid"

Napa hinto siya at humarap muli saakin.

"Did you sleep?" pag aalala kong tanong.

It took her a few seconds bago nakasagot saakin. Prang pinag isipan niya pa ng maayos ang isasagot niya.

"I did." she answered sternly

Tagal tagal nag isip, yun lang pala isasagot, ako na nga itong nag aalala sa kaniya, tas siya pa itong mag susungit. Aba sino siya? at anong karapatan niya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be My Forever, ProfessorWhere stories live. Discover now