Elora
Wednesday and Thursday has passed and it's now a Friday.
Mapapa TGIF ka nalang talaga kase ang daming tasks.
Wala namang bonggang nangyari nung mga nakaraang araw except sa nanood kami sa cinema ng bagong movie with my friends pero yun lang. Wala din kaming masyadong interactions ni Ingrid kase busy siguro sya kakatulong sa pag aayos para sa event sa school para sa mga 1st year.
Sobrang preparation ang ginagawa nya, hindi naman sya makakaattend dahil may dinner nga kami.
Speaking of Ingrid, ever since mabalita sa akin nina Azra na kasal nga daw ito ay kumalat na agad ito sa buong campus. Buti nalang at hindi nila alam kung kanino sya kasal. Now the whole school knows that Professor Ingrid is married to a mystery man.
Woman dapat yun eh, di nila alam na sa babae kasal si Ingrid.
Anyways, every time na makakasalubong ko or namin si Ingrid ay nag iiwas talaga ako dahil baka mamaya ay kung ano pang sabihin nito sakin.
It's our dismissal na and maaga kami dinismiss today. 2:30 ang sched ng labasan today since may pupunta pa sa school para mag ayos for the event kaya maaga kami ngayong uuwi.
We are currently at the bench, kasama ko sina Azra at nag kwekwentuhan kami. We're just casually hanging out here and enjoying the presence of each other.
Not until from a distance, nakita ko si Dylan na para bang may hinahanap. He's with a group of guys, friends nya siguro and mukang paalis na din sila. This is the first time I saw him after nya ako ayain mag coffee nung Tuesday. Since di ko sya sinipot ay iniiwasan ko talaga sya kase alam ko na kung saan mapupunta. I tried to look away kase baka makita nya ako
But I was too late kase biglang nag tama ang aming mga mata. Binaling ko ang mata sa ibang direksyon to try losing his stare while he's smilling from ear to ear.
Eto na nga ba ang ayaw ko, he's walking towards us na. Nag paalam muna siguro sya sa mga kaibigan nya bago tumakbo papunta sa akin dahil may sinabi pa ito sakanila.
Napansin naman nina Azra ang katahimikan ko kaya tiningnan nila ang direksyon na tinitingnan ko at nung nakita ni Azra na papalapit si Dylan ay umimik ito.
"Elora, are you good?"
"I'm fine" tugon ko habang nag iiwas ng tingin kay Dylan na ngayon ay malapit na.
"Gusto mo umalis na tayo?" pagtatanong ni Azra.
Hindi na nya hinintay ang sagot ko at hihilahin na sana nya ang kamay ko para tumayo but before that could even happen ay sumigaw na si Dylan.
"Elora, wait up"
"Uy, si Dylan pala to" pag singgit ni Nate.
Napatigil kami ni Azra sa pag takas dahil sa pag sigaw ni Dylan kaya tumayo na ako sa kinauupuan at hinarap ko na ito dahil baka sumigaw ulit ito. Marami na ang nakatingin sa amin ni Dylan kaya umimik na ako para matapos na ito at nang makaalis na ako dito.
"What do you want Dylan"
"I didn't receive a text from you nung tuesday. I was waiting for you pa naman." tugon nito habang nag lulungkot lungkutan.
"Hindi ka naman pala nakatanggap ng message eh, kaya alam mo na ang sagot" tugon ko na nag pipigil mainis.
Lalo na kasing nadami ang nakatingin sa amin, bakit pa kase dito sa labas nya ako kinausap.
"Boom, ang sakit" sambit ni Nate kaya nag tawanan sila.
Napatingin naman ako kay na Nate at sinamaan ito ng tingin.