Chapter 8

294 20 5
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng aking apartment habang nanghihina ang aking sarili. I couldn't bear the pain anymore. Bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin?! Matagal ko na dapat itong kinalimutan!

Nanginginig ang aking mga kamay habang sinusubukan kong buksan ang pintuan ng aking apartment. Nang maayos ko naman itong mabuksan ay padabog ko itong isinarado, kasabay nang pagkulog ng malakas.

Tears kept falling down my cheeks like river. Napahikbi ako sa aking pag-iyak at napaupo ako sa sahig ng wala sa oras. Nabitiwan ko ang purse ng aking sasakyan at hinayaan ko na lamang ang aking sarili na malunod sa kalungkutan.

I admit... I missed him. I missed him so much to the point that it haunts me every time I think about him! Umawang ang aking bibig at pinakalma ko muna ang aking sarili, dahil baka hindi ako makahinga ng malalim kung ipagpapatuloy ko ang pag-iyak.

Minutes had passed, and I decided to go to my room. Darkness filled the whole place. Para namang hindi ka nasanay, Audrey. Dahan-dahan akong lumapit sa aking kama at umupo doon. I was living alone for almost three years now. Hindi ko akalain na kaya ko palang mag-isa. Sa walong taon rin na lumipas ay hindi ako umuwi ng Agusan. Even though there are hospitals that have offered me big time to be part of their journey as a team, I refused. I chose to work here in Manila.

I can't go home. pakiramdam ko kapag uuwi ako doon ay maalala ko lang siya. I... slowly forgot the sculptures of his face. The traces, the lines, his lips, his arch eyebrows and pointed nose... all of it. Unti-unti ko na iyong nalilimutan.

"Sapat na siguro 'yung walong taon na hindi kita nakita," bulong ko sa aking sarili kahit na ramdam ko ang pagkirot ng aking damdamin.

I bit my lower lip as I watched the rain act like a storm that's in a rage of anger. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ang screen.

Kinakabahan ako. I want to search him. I want to know where he is. Sa walong taon na pangungulila ko sa kaniya ay tiniis ko rin ang mga taong iyon na hindi ko siya hinanap. I only think about myself. The old Audrey only think about herself. Walang pakialam kahit na may masaktan pa itong iba.

Maybe that's the reason why I lost him... I lost him when I needed him the most. I just couldn't see that because I am blinded by my own thoughts and emotions.

Ni kahit isang beses... ay hindi ko naramdaman ang galit niya, ni kahit isang beses ay hindi ko naramdaman na nagkulang siya sa akin.

Naging papansin man siya, buong buhay ko, pero hinanap-hanap ko ang mga iyon, ngayon.

I tried to search for him through social media, but there was no one named after him. Naghanap rin ako ng mga magazine at nagbabakasali na baka ay na-featured siya doon, pero wala. I also tried to open our conversation but his account was unavailable.

Oh, God... where are you...

Paniguradong nasaktan siya nang sobra nang dahil sa mga sinabi ko noong gabing iyon. I didn't mean to say those words in that way, in a cruel way but I guess I was wrong. Ang mga salitang iyon ay nag-iwan ng marka sa puso niya at hanggang ngayon ay nandoon pa rin.

Bumuntong hininga na lamang ako nang maalala ko ang box sa ilalim ng aking kama. Kaagad ko itong kinuha at dahan-dahan na binuksan. Nang lumipat ako rito sa Manila ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na buksan pa ang mga gamit ko. Nakalagay lang ito noon sa bodega namin. The last time I remember, doon ko iyon nilagay at hindi na binuksan pa.

I was planning to burn this box, buti na lamang at nakalimutan kong sunugin noon. Pain suddenly erupted in my whole existence when I saw our first picture together. May nakalagay pa ito na date kung kailan ito kinuha. It was a picture from a polaroid. Masungit akong tumingin sa kaniya habang siya ay nakangiti. How creepy and sad at the same time when I thought that a picture can give you thousands of flashback from your memories.

Dusk Till Dawn (Martensen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon