Chapter 36

207 3 0
                                    

I am wearing a fitted black skirt and a red sweetheart off-shoulder, paired with some white stilletos. I also put on some light makeup to make myself more presentable. I curled my hair, and it waved perfectly behind my back. Kinuha ko na rin ang ibang mga papeles na pipirmahan niya.

Masyado ata akong na-overwhelmed sa ibinalita sa akin ng kaniyang sekretarya. Can you imagine? He wants to buy one hundred thousand strawberry jams and chocolate jams! Tapos, gusto pa niya akong maging isang business partner niya sa negosyo ko, he would also want to  introduce my products to his company.

"Ang ganda, ganda naman ng anak ko." Napangiti ako sa salamin habang dahan-dahan siyang lumapit sa aking direksyon at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"My little Audrey is already a grown woman," she said while holding back her tears.

"Bakit naman po kayo malungkot kung ganoon?" Nag-aalala kong pagtatanong sa kaniya.

She looked at me with wry in her eyes. "Sino ba naman ang hindi malulungkot? Noon, hawak-hawak lang kita sa mga bisig ko, you were asking for milk. Ngayon naman, hindi na gatas ang iniinom mo, kape na."

Natawa ako sa mga sinabi ni Mama sa akin. Looking back on those memories, it aches my heart. The way my mama dressed me, the way she showed me her greatest love Lahat 'yon ay natatandaan ko pa. Is it really growing fast? Even the time? Can I go back to the days when I was fine and loved by someone? Can I go back to the days when love was burning in flames? Kahit mapaso ako ay ayos lang, kahit na masaktan ako nang paulit-ulit, ayos lang. Basta bumalik lang ako sa nakaraan.

Umawang ang aking bibig. Mama hugged me so tight and I embraced her more. Kahit anong gawin niya, kahit na pilitin niya ako, wala na siyang magagawa. This is the end. The way his words shattered my heart and my soul. Paano nalang ang kaniyang ina? Ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na bumalik ang kinamamahal niyang anak sa babaeng anak rin ng pumatay sa kaniyang asawa.

Even if I were in her situation, I wouldn't let it happen. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon. I would do anything just to keep my son away from that girl. Alam ko na ang magiging reaksyon ng kaniyang ina, pagdating sa akin. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalanang nagawa ni Papa sa pamilya nila.

"Hija, hindi mo na ba talaga kakausapin si Fil?"

Yes, Mama knew about Fil's. Alam niya rin na sinusundan ako nito paminsan-minsan, she is just silent about it. Hindi ko pinansin si Fil, tinaboy ko siya, nang paulit-ulit. Sa tuwing pumupunta siya ng store ay hindi ko siya pinapansin at iniignora ko lamang ang kaniyang presensya.

Si Hazel ang nag-e-entertain sa kaniya sa tuwing pumupunta siya roon. Palagi akong nasa loob ng opisina ko at hindi ako nagpapapasok kahit kay Hazel.

"Wala na rin naman po kaming pag-uusapan, Mama. We ended our relationship eight years ago. I blamed myself for chasing him again. Ngayong ako naman ang ayaw, siya naman itong humahabol." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagdadalawang-isip ni Mama sa kaniyang ekspresyon.

"Ayaw mo na ba talaga sa kaniya? Are you sure about it, hija?" Mama asked again, like she wasn't sure about my feelings.

Bumuntong hininga ako at kaagad na iniwas ang paningin sa kaniya. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya para kunin ang aking sling bag. I can't look back at her because she knows me very well. Alam niya kung kailan ako nagsasabi ng totoo at alam na alam niya kung kailan ako nagsisinungaling. She was my Mother, after all.

"Huli na po ang lahat, Ma. Kahit na sabihin niya sa akin na hindi niya tinuloy ang engagement nilang dalawa ni Cassandra, hindi pa rin buo ang loob ko na pagkatiwalaan siyang muli." Mama sighed just because of what I have said.

Dusk Till Dawn (Martensen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon