Chapter 25

209 12 0
                                    

Umalis ako sa event nung gabing iyon, nawala sa isip ko ang pagpapaalam kay Fil. When he was saying his speech to all the people who were there, ay dahan-dahan akong umalis sa pamamahay nila. Tandang-tanda ko pa rin ang lahat nang mga nangyari. Unti-unting nanlalabo ang aking mga mata nang dahil sa mga luhang nagsisilandasan.

My tears were the evidence of my heartbreak that night. Parang ipinapahiwatig sa akin ng tadhana na hindi ako ang nararapat para sa kaniya. Na kahit anong pag-abot ko ay hindi ko siya makukuha. It feels like the heavens decided to turn the tables and show me that I am only made for simple things. Na, hindi puwede sa akin si Fil. Durog na durog ang puso ko. Durog na durog ito na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang estado nito.

My heart stays like that even after eight years of waiting for him. Parang kahapon lang nangyari ang lahat nang iyon at hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit. Alam kong may mga pagkakamali akong nagawa. I push him away, many times! Ang tanga ko dahil mas pinaniniwalaan ko 'yung mga sinasabi ni Papa at Mama sa akin. After everything that happens, iyon ang ginawa ko. Ipinagtabuyan ko siya at binitawan nang mga masasakit na salita. I never trusted him. I should have trusted him instead of my parents. Instead of their decision.

Inaamin ko na hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ako sa kaniya. If I am given a chance to talk to him, I will say everything to him. Lahat nang mga nararamdaman ko. Lahat ng iyon ay sasabihin ko sa kaniya. Hihingi ako ng tawad. Sa pagtataboy, sa pagbigay ng masasakit na salita sa kaniya.

He protected me in all ways that he could. Kahit na unti-unti na akong bumibitaw sa kaniya. Wala akong ibang maisip noong gabing iyon kung hindi ang mga sinabi ni Cassandra sa akin. Tumatak iyon sa aking isipan at nanatili iyon sa aking damdamin.

"Bakit ka umalis kagabi? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?"

Pagtatanong niya sa akin nang makita ko siya sa hallway. Pagkatapos ng party ay hindi ko na siya tinawagan. He called me many times, but I refused to answer him. Kaya, heto siya ngayon sa aking harapan.

Naghahanap ng magiging sagot ko. Naghahanap ng eksplenasyon kung bakit ako umalis sa birthday party niya nang hindi man lang nagpapaalam.

Tinignan niya ako nang malamig at napapaso ako sa mga tinging ibinibigay niya sa akin.

"Na-lowbat ako," pagdadahilan kong sagot sa kaniya.

He laughed without humour. Alam kong hindi katanggap-tanggap ang aking rason pero iyon lang ang naiisip kong tamang isagot.

"You can charge your phone right away. Sabihin mo sa akin kung anong problema." Sabi na niya sa isang mahinahong boses. Ang mga tingin ay punong-puno nang pag-aalala.

"Fil, wala akong oras ngayon. Puwede ba na bukas nalang tayo mag-usap?" Sabi ko sa kaniya.

Lalagpasan ko na sana siya nang hinawakan niya ang aking siko. Marahas ko itong hinablot at tinignan ng masama.

"Fil, ano ba?!"

"Sabihin mo sa'kin kung anong problema. Iyon lang naman ang gusto kong pag-usapan natin, eh. I just want to know why you suddenly acted that way towards me. Sige na, Paige, sabihin mo sa akin, bakit?" He said it in a low tone and held my elbow. He held me closer to him.

Napapikit ako nang wala sa oras. Parang hinahati ang aking puso habang nakikita ko siyang ganito. Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha.

Sobrang mahal ko si Fil. Mahal na mahal ko siya at naiinis ako dahil nag-iisip ako ng ganito!

"Bakit gusto mong kumuha ng Medisina? Bakit ayaw mong mag-trabaho nalang sa kompanya ninyo? Alagaan ang negosyo?" Iyon ang mga tanong na gustong-gusto kong masagot niya.

Dusk Till Dawn (Martensen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon