Chapter 13

230 14 0
                                    

I looked at Danilo's designs for gowns and all of it are wondrous! Awang ang aking bibig habang ini-scan ko isa-isa ang mga ito. I was just wondering about the expenses for all of these? Kung ang pipiliin ko ay ang pinakamagandang gown, ay paniguradong mas mahal ito kumpara sa ibang disenyo niya.

Nagtaas ako ng tingin kay Chloris at nakita kong pati siya ay namangha sa mga gowns na ipinakita sa amin ni Danilo. We are at our balcony near the pool area. Ang mga katulong namin ay naghihintay lamang sa gilid na utusan. Si Mama ay nakahalukipkip lang habang nakakunot ang noong nakatingin sa mga designs niya.

"What do you think, Audrey? What designs do you like to have?" Nakangiting pagtatanong ni Danilo sa akin habang nakatayo ito at pinaglalaruan ang ballpen na kaniyang hawak.

May napili na akong gown. Iyong simple lamang ang design pero ang pagiging elegante ay naroon pa rin. I want a simple gown yet elegant. I want a simple yet elegant gown. I don't want a gown full of diamonds that is very expensive and doesn't have elegance. Gusto ko iyong mas attractive, kaysa, maganda lang. Magkaiba ang dalawang iyon.

Tumayo ako at itinuro ko sa kaniya ang gown na may disenyong gusto ko.

"Oh, you want Cresia's style! This will fit for you, for sure!" He giggled like a worm.

Natawa na lamang ako sa kaniyang naging ekspresyon. Umiksena lamang si Mama nang nakita niya ang aking napili.

"Are you sure about this, hija? Baka naman may magustuhan ka pa na iba diyan? This is beautiful but... simple," pagpapaliwanag ni Mama sa akin.

Umiling ako sa kaniya at sinabi ang naging dahilan ko.

"I want that kind of gown, Ma. I want a simple gown, but yet elegant."

Walang nagawa si Mama kung hindi ang napatango na lamang. Nilapitan ko si Chloris at ipinakita na rin niya kay Danilo ang napili niyang gown. She was unsure of it. I can see it in her eyes. Sinabi pa niya sa akin na nahihiya siya sa offer ng aking ina sa kaniya. I give her an assurance that it's okay. Ako ang unang bumitaw sa usapan at mga plano naming dalawa, kaya, sagot ko siya.

Nang matapos na kaming mamili ng gown ay babalik si Danilo sa shop niya at kukunin niya ang mga ito. Umuwi na rin si Chloris dahil pasado alas-sais na nang gabi. Nagpaalam ito kay Mama pero tinanguan lamang niya ito.

Now, I have the courage to talk to her why she's suddenly act like that. Hindi naman siya ganito dati. Naninibago ako sa kaniya ngayon.

"Ma, why did you do that?" Hindi ko mapigilan ang hindi mairita sa naging tanong ko sa kaniya.

Hinarap niya ako at tinaasan niya ako ng kilay. Her lips twitched like she already knew that I would ask her about this.

"Did what?" Inosenteng tanong niya sa akin pabalik.

"Bakit nag-iba ang pakikitungo mo sa kaibigan ko? She's a good girl, Ma. She's kind and sweet."

Mama laughed without humor. Kaya mas lalo lamang akong nagtaka sa kaniya. Sinundan ko siya mula sa kusina at nakita kong kumuha siya ng wine sa aming lalagyan.

"What's her name, again? Chloris Rayon? Do you know her background, Audrey?"

Hindi ko siya maintindihan. Bakit niya iniiba ang usapan namin? I just want to know why she act like that, but she's not getting it to the point!

"Kailangan pa ba iyon, Ma?"

"She's the daughter of your father's ex-girlfriend, Audrey! Karina Rayon, Chloris Rayon. Kaya, mag-iingat ka sa mga kina-kaibigan mo, hija. They are good when they need something and they will feed your mind with their sweet words, pero ang totoo ay ahas pala."

Dusk Till Dawn (Martensen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon