Chapter 4

351 30 5
                                    

Pagkatapos ng aming Philippine History class ay dumiretso kaagad ako sa labas ng building at doon ko nalang sa pathway hinintay si Chloris. These coming days ay may magaganap na intramurals sa school kaya magiging abala kami tomorrow for these coming activities. Ako pa nga ang nautusan na bumili nang mga drinks for our booth.

Nang makita ko si Chloris ay kaagad akong kumaway sa kaniya. Ngumiti naman siya at kaagad na dumiretso sa aking direksyon. Kinuwento ko sa kaniya ang lahat nang mga nangyari sa amin kanina ni Leister. Umawang pa ang kaniyang bibig habang nakikinig sa akin.

"Really? He invited you to join the Dakila Team?" tanong niyang sabi sa akin habang kumikinang ang kaniyang mga mata.

She is really a fan of singing, siguro ay nahihiya lamang siyang sumali nang dahil katulad ko, walang masyadong kilala rito sa school.

"Hindi naman ako interesado na sumali, eh. I don't think I can fit to their team, mukhang mataas pa naman ang standards nila." Bumuntonghininga ako habang naglalakad na kami palabas ng school.

Pumagitna siya sa akin at kaagad na hinawakan ang aking magkabilang-balikat. Ngayon ko lang napansin ang mga freckles sa kaniyang pisngi. Her brown eyes shines when the light of the sun rested on face.

"Kung sasali ka, sasali rin ako." Nakangiting sabi niya sa akin.

Nanghina ako at umupo saglit sa may bench.

"Paano kung hindi tayo matanggap?" she rolled her eyes to me at para bang naiirita na sa akin.

"At least we tried," ani Chloris.

Hindi ako makatulog ng maayos nang dahil sa iniisip ko ang audition na sinasabi ni Leister kanina or let's just say "Lee". Umikot ako sa aking kama at kaagad na kinuha ang aking cellphone. I searched him on social media, unang tinignan ko ay ang kaniyang facebook account.

That's weird... no post available ang nakalagay sa wall niya. I click the little profile picture at pati iyon ay naka-private. He is wearing a blue hooded jacket and black cap na nakaupo sa may isang bench at nakahawak ng cup of coffee habang itinapat niya ito sa kaniyang mukha. He is hiding his face using that cup.

Leister Dew Martensen...

After several times of stalking him ay tumigil na ako. Nahihiya rin naman ako na mag-friend request sa kaniya, baka isipin niya ay nagpapapansin ako sa kaniya. Ibinato ko na lamang ito sa gilid ng aking kama at kaagad na natulog.

Nagising ako kinaumagahan nang dahil sa ingay ng alarm clock ko. Inis ko itong kinuha at kaagad na pinatay. Matutulog pa sana akong muli nang bigla na namang tumunog ito. Napamura ako nang wala sa oras at pagkatapos kong patayin ang aking alarm clock ay tumunog muli ito at umawang ang aking bibig nang makita ko ang notification na nag-pop up sa cellphone ko.

Leister Dew Martensen accepted your friend request.

What the fuck!

Napabangon ako nang wala sa oras at kinusot ang aking mga mata. Is this really true?! Wala naman akong matandaan na pinindot ko 'yung friend request kagabi. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at padabog akong napaupo sa aking kama.

I stayed in my room for almost five minutes before I decide to go out in my room. Nang naabutan ko sila Mama at Papa na kumakain sa dining area. Kaagad akong lumapit doon at sumabay sa kanila sa pagkain. Sausage and bacon seem inviting to the mouth at hindi na ako nagdalawang-isip na kumuha ng pagkain.

"How's your school, Audrey?" Dad asked out of nowhere.

How are you and Karina? I want to ask him about that but it will be rude and out of respect if I will do that. Kaya inilihim ko na lamang iyon.

Dusk Till Dawn (Martensen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon