08

147 2 0
                                    

Chapter Eight
-

Kahit mainit, tiniis ko pa rin ang masakit sa balat na dulot ng matindiang sikat ng araw dito sa labas ng munisipyo. Mag-aalas tres na ata pasado, and now I am here for something important to do. I haven't gone inside yet because I'm feeling nervous again.

The reason I'm here is because of Ate Ara's offer. I'm still wearing my uniform since I just came from school. Good thing, we don't have class today because our afternoon professor didn't come.

Kanina, nung pinuntahan ko siya, ito ang sinabi ni Ate.

"Naghahanap ng pwedeng working student si Mayor Precious na willing magtrabaho sa kanila, sabi ito ng boyfriend ko na nagtrabaho sa munisipyo. Pinapa-apply nga ako, pero ayaw ko naman dahil may work pa ako, kaya sa iyo ko na lang ino-offer, baka bet mo?" Ani niya.

Tapos ayun, pinapapunta niya ako rito para raw personal na kausapin si Mayor. Dapat nga bukas ko na pupuntahan, pero dahil pinagbigyan ako sa schedule ko, ngayon na lang ako pumunta.

At first, I was still hesitant and unsure because I might not be able to talk to the Mayor personally without a scheduled appointment, but she assured to me that they had already been informed that someone would be coming.

Kaya ito, pumunta na lang rin agad ako. Kahit kinakabahan, tumuloy na ako sa loob. People fixing their documents and others, including municipal staff, ang narito sa loob.

Ang dami palang tao ngayon. Hindi naman alintana ang init sa dami dahil malamig sa loob. Alagang-alaga naman talaga ang gusali dahil labas pa lang malinis na, mas lalo pa nga rito sa loob. Hindi naman kasi malawak ang bayan namin kaya pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno.

Nilibot ko ang tingin sa mga narito at nag-iisip kung kanino pwede magtanong. They are all busy with what they are doing. Nakakahiya tuloy lumapit para istorbuhin sila.

Napagdesisyunan ko na lumapit sa isang empleyado na malapit lang sa akin. Nag-aayos ito ng mga papel.

"Excuse me po." Ani ko, tumingin ito sa akin.

"Yes?"

"Saan po banda yung office ni Mayor Precious Alston?" Tanong ko. Nagaalangan pa nga ako magsalita eh.

"Akyat ka sa third floor, tapos may makikita ka doon na opisina sa ikatlong pinto. Nakalagay rin yung pangalan niya sa labas, si Ms. Lorenzo, yun ang secretary ni Mayor Precious. Tanungin mo kung naroon ba." Ani niya, at tinuro pa yung paakyat ng hagdanan.

"Pwede kang gumamit ng elevator, hijo," dagdag niya pa. Tumango ako at nagpasalamat. Hindi na ako gumamit ng elevator dahil gusto kong makita yung iba pang opisina rito sa loob.

Bilang isang mamamayan dito sa lungsod namin, 'di naman ako gaano nakakapunta o nakakapasok dito sa munisipyo. I only come here when there's something important.

Nagpatuloy ako sa pagtitingin habang paakyat sa taas. Kung matanggap man ako dito kaya ako magtatrabaho?

Gusto ko rin yung vibe ng pang opisina, yung relaxing lang tignan pero stress sa sobrang gawain.

Pagkarating sa sinabing opisina, huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Sa loob lang ng ilang saglit, may bumukas na nito.

"Good afternoon po, I'm looking for Ms. Lopez, Mayor Precious' secretary," maingat kong sinabi. Ngumiti ito sa 'kin at binuksan ng maluwag ang pintuan.

"I am Jane Lopez, Secretary of Mayor Alston. How may I assist you?" Ani niya.

"Narito po ba si Mayor? Ako po yung inirefer ni Ms. Aramae Cruz para sa kailangang working student ni Mayor Alston." Ang sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon