07

236 11 15
                                    

Chapter Seven
-

"G-girlfriend?" Nawala ang kabang namayani sa akin sa halip napakunot noo naman ako dahil sa tanong niya.

Takte! Akala ko naman kung anong personal question.

"Yes, why? Do you have a girlfriend?" Inulit niya pa yung tanong.

Binitawan ko ang kutsara at nag sign na parang nag-bye sa kaniya pero ang ibig-sabihin nun ay ipaalam na wala akong girlfriend na tinatanong niya.

"Nako! Wala dahil single ako." Nakangiti kong hayag.

"Really?" Napa-smirk pa siya ng sabihin 'yon. Hindi ba kapani-paniwala ang sinabi ko sa tinanong niya?

"Oo naman at kung meron man edi sana kasama ko siya ngayon."

Tumango tango naman siya sa sinabi ko. Hindi parin ba siya naniniwala? Tanong tanong siya tapos mukhang hindi naman maniniwala. Boang na bata!

"Eh, ikaw ba... Meron ka?" Ako naman ang nagtanong. Inusog niya ng kaunti ang plato niya na ngayon ay wala ng laman ng tinignan ko ito. Paano niya naubos ng ganong kabilis ang pagkain niya? Wow! Ipinatong nito ang kaniyang dalawang braso sa table at kunot noong nakatingin sa akin. What?

"Why, are you curious if i have?" Nakangisi niya itong sabi. Umiling ako. Hindi kaya.

"Nagtanong ka... kaya dapat malaman ko rin kung meron kang girlfriend. Just to be fair," Nginitian ko siya. Bahagya pa siyang natawa ng mahina, eh wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

In fairness marunong naman pala siyang tumawa.

"I don't have a girlfriend... You know why?" Huminto siya at lumapit ng mas kaunti sa aking mukha, saka nagsalita ulit.

"Because I'm not interested in girls."

Hindi ko alam kung seryoso ba siya dahil wala namang reaksyon ang mukha niya. Basta ang alam ko lang nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi 'yon.

Like what? Hindi daw siya interested sa mga babae! Eh, ano naman?

"Ganon ba," Tanging nasabi ko. Hindi narin ako nagtanong pa dahil hindi ko narin alam ang sasabihin.

Mula sa mga mata ko bumababa ang tingin niya hanggang sa plato ko.

Oo nga pala hindi pa ako tapos kumain. Ang dami pang laman ng plato.

Magsasalita sana siya ng marinig naming mag ring ang phone niya. May tumatawag sa kaniya. Sinagot niya iyon habang nakatingin sa akin. Kung nakakatunaw lang yung tingin baka kanina pa ako nalusaw.

Kaya binalingan ko nalang ang atensyon ko sa pagkain na kailangan ko maubos.

"Why?" Sagot niya sa kausap sa kabilang linya. Sino kaya 'yon?

Nag-try ako tumingin sa kaniya pero nakatingin parin pala siya sa akin. Ano bayan kanina pa siya! Hindi ko tuloy alam kung dapat ba ako mahiya sa kaniya.

Nakakatunaw...

"Alright." Aniya sa kausap bago ibaba ang phone at tumayo.

"I need to go. Finish your food." Paalam niya sa akin at binigyan pa ako ng ilang segundong tingin bago ako iwan.

Bago pa siya makalabas nakatingin rin sa kaniya ang ibang narito sa loob, pati yung sa table nila Ella nakatingin rin. Nginitian ko nalang sila ng tipid. Ayaw ko naman lumapit sa kanila dahil nahihiya ako na ewan. Basta!

Nakahinga naman ako ng maluwag ng ako nalang mag-isa sa table.

Nabusog na ako at hindi ko narin naman talaga mauubos itong pagkain. Take out ko nalang para makain ko pa later kung magutom man ako. Libre 'to ni Yisreal kaya sayang kung hindi ko maubos. Mahal rin kaya 'tong meal.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon