Chapter 4 | Someone

105 7 0
                                    

Vice's POV

Kasalukuyan akong nasa dressing room ko rito sa ABS-CBN. Inaantay ko na dumating ang mga bakla dahilnauna na kami ni Ron dito sa kwarto. Saktong pagdating naman namin dito ay nakahanda na ang mga gamit ko para sa airing mamaya. Tahimik lang kami rito hanggang sa may kumatok nang pagkalakas-lakas.

"Ron, pabukas naman. Thank you"

Tumayo naman ito at binuksan na ang pinto.

"Si Vice?" tanong niya

"Ay, naandito po. Pasok po kayo" sagot ni Ronel

Tuluyan nang iniluwa ng pinto ang taong kanina pang kumakatok. Si Jhong lang pala, isa sa mga kaibigan at kasama ko sa trabaho.

"Cutipie! Napromote na ako!"

"Ohh, ano naman?"

"Eto naman! Magpapainom pa naman sana ako pero parang ayaw mo, babu!"

"Eto naman, walang sense of humor. Joke lang yun!"

"Yan! Basta inuman, timawa ka rin ehh"

"Minsan lang naman kasi, kailan ba?"

"Right after the show, G ka?"

"Oo naman, sino bang mga kasama natin?"

"Tayo-tayong magkakaibigan lang pero kasama yung circle of friends ni Maia ha"

"Ohh sige, magpapa-ayos muna ko. Inaantay ko pa yung mga bakla ehh"

"Sige, see yah!"

"Okeh, congrats!"

Lumabas na nga si Jhong ng kwarto at saktong dating naman ng glam team ko. Inayusan na nila ako ng biglang makaramdam ako ng kaba. Kabang hindi normal, pakiramdam ko ay may mali o may masamang nangyari pero di ko mawari kung ano. May kung ano sa sistema ko ang gustong magpalabas sa akin sa kwarto pero hindi gusto ng mga paa kong maglakad kaya ipinagsawalang bahala ko na lang muna ito. Patuloy sila sa pagsusuklay ng buhok ko hanggang sa may kumatok.

"Meme, on air na po in 5 minutes. Thank you"

"Sige lang, Thanks"

Pinatigil ko na sila sa pagsusuklay ng buhok ko at tuluyan nang lumabas. Saktong paglabas ko ay ang pagdaan ni Vhong sa kwarto ko kasama si Anne. Bumeso ako kay Anne at tiningnan niya nang matalim si Vhong. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganon ang inasta niya pero kinausap ko pa rin si Vhong.

"Hi, k-kamusta?" tanong ko.

"O-okay, okay lang naman. Ikaw?"

"Ayos lang din, sorry sa kagabi ha?"

"Di, okay lang. Ako nga dapat ang magsorry kasi may nangyari kagabi"

Magsasalita pa dapat ako nang biglang putulin ni Anne ang pag-uusap namin. Nakaramdam ako ng takot sa sinabi ni Vhong. Parang iba yung tinutukoy niya kaysa sa tinutukoy ko.

"Guys, mamaya na yan. Tara na, baka malate tayo sa studio"

Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kanya. Pinauna naman ako ni Vhong maglakad habang sinusundan ko si Anne. Mga 30 seconds before the show ay may nagtext sa akin.

Unknown Number
Sent a video

Hindi ko na natingnan yung video dahil nagka-countdown na ang mga staff namin para sa airing ng show.

Nagpatuloy ako sa studio hanggang sa matapos ang show. Natapos na ito at nagpunta agad ako sa dressing room. Pagdating ko sa loob ay may pagkaing nakahain sa table ko, may notes pa na nakasulat dito.

B  U W A NWhere stories live. Discover now