Chapter 10 | Restricted

148 9 3
                                    

Vhong's POV

Nakahiga lang pa rin ako sa kama rito sa kwarto. Nakatagilid ako at nakatalikod sa may parteng pintuan nito at nakatitig sa pader habang iniisip pa rin ang natuklasan ko. Nabasag ang katahimikan ng paligid ko matapos magkaroon ng kumakatok sa pintuan ko. Napabalikwas ako at napatayo sa pagkakahiga upang pagbuksan ang kumakatok at tumambad sa'kin ang maligayang mukha ni Jhong.

Pagkabukas ko ng pinto ay hindi na ako nakasalita bagkus ay bumalik pa rin sa pagkakahiga at wala akong balak kumilos ng kung ano-ano dahil inaalala ko pa rin si Vice.

Bumuntong hininga si Jhong. "Brad, naman… tumayo ka na dyan dahil naandito na siya. Kakarating lang niya at hinahanap ka sa baba, bilisan ko raw kaya tara na… arte neto!" patawa niyang sambit.

Tila nabuhay lahat ng ugat ko at dumaloy lahat ng dugo ko rito. Ang kaninang tamlay at lumbay na nadarama ko ay agad nang napalitan ng pagkasabik sa kanya. Dali dali akong bumangon sa pagkakahiga at dumeretsong panhik paibaba para yakapin ang pinakamamahal ko.

Oo, iniwan ko na si Jhong sa itaas dahil sa narinig ko.

Pagkatapak ko sa huling baitang ng hagdan ay tila natuod akong lumapit sa kanya. Hindi ko maproseso ang nararamdaman ko dahil sa gulat at labis labis na saya. Hindi ko siya mayayakap kung hindi pa ako hinila nina Tyang at Anne.

Mangiyak ngiyak akong lumakad papalapit sa kanya at siya ang nagsimula ng yakapan naming dalawa.

"Vhong!…" bulong niya segundo ang nakalipas matapos akong yakapin.

Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Sobra mo akong pinag-alala, Vice. Natakot ako ng sobra pa sa hindi ko inaakalang matatakot ako. Sorry… Sorry kung wala ako no'ng panahong gusto mong ako yung magligtas sa'yo… I'm sorry…" saad ko nang nagpipigil ng luha.

Kumalas siya sa yakap at umupo na. Tumabi naman ako sa kanya matapos ang titigan naming dalawa.

Matapos kong umupo ay tumingin ako nang marahan sa katawan niya at nakita ko ang pasa mula sa pagkakagapos dito. Masasabi mong gapos ito ng tali na nakuha niya malamang sa kumuha sa kanya.

"Nasaan siya?" matimpi kong pagtatanong. "Sinaktan ka ba niya? Susugurin ko yung hayop na yon!" saad ko bago tumayo sa kinauupuan ko. Pinigilan niya ako at umiling na lang pagkatapos ay yumuko. "Vice… anong nangyari? Talk… please?" ani ko.

Tumunghay siya at tumingin sa mga kaibigan namin bago niya ako titigan at magsalita. "Walang pananakit na nangyari, Vhong. Desperado siya… sobrang desidido siyang bawiin ako pero nanlaban ako. Pinanghahawakan kita kahit wala ka ro'n… dahil alam kong yun yung gusto mo. Nanalig ako sa paniniwalang kasama kita sa laban kong yon at iyon yung tanging dahilan ng pagkapanalo ko… kaya wag mong sabihing wala ka ron dahil andito ka." sabay turo sa puso niya na siya namang nagpalambot ng puso ko at nag-udyok sa'kin na yakapin siya at niyakap naman niya akong pabalik.

"Sorry, Mine… Sorry…" sapat na salitang lumabas sa bibig ko para kumalas sa yakap niya. Hinawakan ko ang mga pisngi niya at pinahiran ang mga luha sa mukha niya gamit ang hinlalaki ko. Hinalikan ko siya sa noo at sumandal siya sa balikat ko matapos ang pangyayring iyon. "Pagod ka na ba? Gusto mo munang magpahinga?" pananong ko.

"Medyo… hinihingal ako. Hindi ko alam kung normal to… parang… kakapusin ata ako…" paputol-putol nitong sabi.

Na nagpakaba naman sa puso at buong sistema ko. Tatayo na sana ako nang hinigpitan niya ang pagyakap sa akin sa patagilid na paran.

"Ganto na lang tayo, Mine… dito na lang muna tayo, please?" aniya matapos ay nginitian ako

Nginitian ko siya pabalik at binigyan muli siya ng isang halik sa noo.

B  U W A NWhere stories live. Discover now