January 5, 2018
Vice's POV
Nagising ako dahil sa bulungan ng mga tao sa paligid ko. Nakita ko naman sina Anne, Jhong at Tyang Amy na nakatayo sa gilid ng kama ko na kinakausap yung doktor na naka-assign sa akin.
"Doc, bakit po kayo naandito? Makakalabas na po ba ako?"
"Yes po Ms. Viceral, but yet you are still under observations" saad niya. "Makakalabas na po kayo mamaya tapos ipapadala na lang namin yung results ng mga ginawa naming tests kanina"
Nakaramdam ako ng kaba matapos bitawan ng doktor ang mga salitang iyon.
"Under observations? Bakit, gaano ba kalala yung sakit ko?"
Nabalot ng katahimikan ang kwarto ko at ni isa walang naglakas-loob na sabihin ang kondisyon ko. Mas natakot ako sa ganitong reaksiyon nila kasi bago sa akin to.
Tyang Amy's POV
Hindi na kami maka-imik sa tanong ni Vice kaya minabuti ko nang palabasin muna yung doktor at hayaan na kaming mag-sabi kay Vice.
"Doc...iwan niyo muna kami, Thank you"
"Tyang, ano bang nangyayari? Anong meron?"
Parang nanghihina na ako matapos niya akong tanungin. Hindi ko na yata kakayanin kung ako pa ang magsasabi.
"Tyang......ano pong sakit ko? Mamamatay na ba ako?"
"Vice kasi, meron kang....."
"Ano Tyang!?"
"CAD"
Vice's POV
"CAD"
"CAD?.....a-an-anong CAD?"
"Coronary Artery Disease, nangyayari raw tong ganitong uri ng sakit kapag yung mga ugat mo papuntang puso na nagdadala ng dugo ay sumisikip" nakayuko niyang saad. "Isa raw to sa m-malalang sakit sa buong mundo na p-pwedeng mag-lead to heart failure at pwedeng ikamatay kapag hindi n-naagapan"
"H-heart disease? P-paano? B-bakit?"
"Hindi pa sigurado yung cause Vice kaya under observations ka pa rin"
Parang humiwalay yung kaluluwa ko matapos malaman kung anong karamdaman mayroon ako. Hindi ko inaakalang ganito ang kalalabasan ng pangalawang araw ko sa hospital. Ang mga luha kong kanina pang nag-uunahan sa pagtulo ay tuluyan nang umagos.
"Hindi ko m-maintindihan! B-bakit ako pa!?"
Anne's POV
Hindi ko na kayang tingnan si Vice na umiiyak kasi para na rin akong sinasaksak. Nakakapanghina kasi hindi niya deserve ang mga ganitong bagay. Agad ko naman siyang nilapitan para patahanin pero ako pa yung mas nanlumo kaysa kanya
"Shh....tahan na Vice, alam kong kaya mo 'to"
"Di ko na alam Anne! Hindi ko na alam!
"Malakas ka Vice, alam kong kaya mo 'to
"Hindi ko maintindihan! Bakit sa'kin? Putangina namang mundo 'to ohh! Ano bang problema niyo? Ano bang kasalanan ko?"
"Tahan na, malalampasan natin 'to"
"P-para akong inilibing ng buhay Anne!"
Yun na ang huling salita niya bago tuluyang kumalma habang patuloy pa rin kami sa pagpapahupa ng iyak at ng nararamdaman niya. Mabait na tao si Vice kaya nagtataka rin kami kung bakit niya kailangang pagdaanan ang lahat ng ito. Nabasag ang katahimikan namin nang magsalita siya habang nakayuko, nilalaro lamang ang kanyang mga daliri na parang bata.
YOU ARE READING
B U W A N
Hayran KurguA Vhoice story that contains breakups, pain and cruelty in a relationship that used to be all about love and looking at each other. Will you face the dare? Or would you rather ignore the truth when it comes to your loved ones? -includes sensitive wo...