Chapter 9 | Unsaid

82 7 2
                                    

Ion's POV

Naalimpungatan ako mula sa aking pagkaka-idlip at naisipan kong bumili nang makakain sa pinakamalapit na convenience store dito sa lugar namin. Tinatamad akong maglakad kaya naman dinala ko ang sasakyan ko at hindi na ako nagsama ng body guards dahil gabi na naman.

Matapos kong bumili ay may nakita ako sa kanang bahagi ng kalsada na isang abandonadong bahay na may ilaw sa iisang sulok lamang ng gusaling ito. Makikita rin dito ang mga lalaking nakatayo na animo'y bantay sa kwartong natatamaan ng ilaw. Hindi ako nagdalawang-isip na tawagan ang mga pulis na mayroon sa contacts ko dahil hindi na maganda ang kutob ko rito.

Dumating ang mga pulis at pinayuhan ko sila na huwag gumawa ng kahit anong tunog dahil baka mapahamak ang tao sa loob nito kaso may mga bantay na nagpaputok sa amin at hindi na nila napigilan pang manlaban. Tinungo ko naman na kaagad ang kwartong kinalalagyan ng liwanag na nakapukaw sa atensyon ko at doon ko natunugang si Vice pala ang biktima ng mga armadong tao na naninirahan dito. Nilapitan ko siya kaagad at kinalagan ang kanyang katawan dahil nakatali pa siya na animo'y pinagsamantalahan dahil sa kanyang itsura. Inalam ko ang lagay niya at kinausap siya.

"Vice, anong nangyari sa'yo?" panga-alam ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Vhong? Nasaktan ka ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Hin- Hindi ko alam… I- Ikaw?… Anong ginagawa mo rito?" mautal-utal niyang saad.

"Hindi na mahalaga yo'n, ang importante ay ligtas ka na" mahinahon kong sabi. "May nararamdaman ko ba? Gusto mo… dalhin muna kita sa ospital para matingnan ka?" paga-aya ko.

"H- Ha?… Ahh, hindi na. U- Uuwi na lang ako, Ion. Salamat." aniya bago maglakad na parang isang batang iniwan ng kanyang magulang sa kung saan lang.

"Vice, sandali. Ihahatid na kita, mukhang nahihirapan ka pang maglakad sa lagay mong 'yan,"

"Hindi n-…"

"No ifs, sige na… halika na" pagpupumilit ko sa kanya at agad naman niya akong tinanguan.





Vice's POV

Kasalukuyan akong nasa sasakyan ni Ion at kausap niya ngayon si Jhong na sinasabi niyang kasama niya ako para mawala na ang pag-aalala ng huli. Matapos niyang ibaba ang telepono at patayan ng tawag ang huli ay ibinaling niya ang kanyang atensyon sa akin. Namamatid na ang lalamunan ko dahil parang may gustong liwanagin ang mga mata niya ngunit natutuod ang kanyang bibig.

At nagsalita na siya…

"So… buntis ka pala?" pag-uumpisa niya.

Tumango na lang ako bilang kasagutan sa kanya.

"Ahm… If you don't mind, ilang days? Weeks? or Months na?" pagtatanong niya pa. "Sorry, baka isipin mong feeling close ako pero nacucurious lang talaga ak-…"

"Less than a month-" pagpuputol ko sa kanya.

Tumango siya at itinuon muli ang atensyon sa telepono niyang malapit lamang sa manubela at napuno na nang katahimikan ang sasakyang kinalalagyan namin.

"Ako ba?" pangbabasag niya sa katahimikang nagaganap.

Kinabahan ako sa tanong niya, parang luluwa na yung puso ko matapos niya kong tingnan sa mata.

"H- Ha?… A- Ano yun?" mautal-utal kong tanong.

"I'm sorry… I lied. I touched you that night… and I don't want you to know kasi alam ko na lahat ng mayroon ka." pag-amin niya.

Putangina! Gusto ko siya murahin pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang bugbugin pero hinaharangan ako ng malakas na pwersa. Hindi ako makahinga, hindi rin ako makasalita pero bakas sa mukha ko ang mga luha na nangingilid sa mata ko na tila tutusukin siya nito kahit anong oras. Nanlalamig ang buong katawan ko matapos marinig ang mga katagang binitawan niya.

"Vice… Talk, please?" aniya na nagmamakaawa pa.

"I… I don't understand…" tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mata ko.

Binigyan ko siya ng isang malakas at malutong na sampal at pagkatapos ay bumuntong hininga ako hudyat nang gulat na aking nadarama.

"How could you do this to me? You said… You said we didn't do it pero puta-" isang kargadong buntong hininga ang inilabas ako at nag-ipon ulit nang salita bago tuluyang umimik. "Kuhang-kuha mo na yung loob ko nung una pero paano pa ako maniniwala kung yung unang pagkakataon na yon ay nagawa mo na akong lokohin? Tanggap ko yung pagtulong mo pero hindi ko matanggap yung pagsisinungaling at pambababoy mo… Ang baboy mo, Ion!" ani ko at tuluyan nang humagulgol. "At para sagutin yung tanong mo… hindi kita sasagutin nang deretso. Sapat nang alam ko sa sarili ko… na alam ko na kung sino yung ama nitong anak ko.

"Vice-…" aniya na umiiyak na rin.

Iniwan ko siya sa sasakyan at bumaba sa harap ng bahay ko at pumasok sa loob nito nang hindi man lang siya nililingon. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang mga naga-alaang mukha ng mga kaibigan ko. Niyakap ko silang lahat at doon nagbuhos ng iyak na tila walang bukas.

Kumalas ako sa yapusan namin at nilinga ang aking mga mata pero hindi ko siya nakita.

"Si Vhong? Nas- Nasaan siya?" nagaalala kong tanong sa kanila. "Umalis ba siya? Hinahanap niya ba ako? Jhong, baka kung napa'no na si Vhong, hanapin natin siy-…" panunod-sunod kong tanong.

"Vic-, Vice… Kalma, nasa taas siya at… alam na niya, we're sorry." mahinahong sambit ni Tyang Amy.

Teka, paano niya nalaman? Narinig niya ba kami ni Ion na magkausap sa sasakyan? Shet! Pero teka, alam din ba nina Anne yon? Wala naman akong pinagkukwentuhan diba? Nadulas ba ako one time?

"Alam ang alin? A- Anong nalaman niya?" pagkukunwari ko sa diskusyon.

"He knew about you getting stabbed by… by Romeo." pananagot ni Anne.

Akala ko kung ano nang nalaman niya pero sasabihin ko rin naman talaga ito sa kanya. Lahat lahat ng ito ay ipapaalam ko rin sa kanya.

"Paano niya nalaman?" paningit ko.

"Ahm, kasi sa ayaw ka naman naming pangunahan pero nadulas kasi kami kanina. Siyempre nadala na rin nang katarantahan namin kaya hindi na namin napigilan." sagot ni Tyang

"Teka, tatawagin ko muna siya at ikaw naman, Vice… maupo ka dyan. Wala munang gagalaw ng malalaking cover ha?" ani Jhong na may halong pagbabanta

"Opo, and please… pakibilisan niyo" pagpapaalala ko sa kanya.

Nagsalute siya sakin na parang isang sundalo at matapos yon ay umakyat na siya para sunduin ang mahal ko.







Hi loves! Sorry to update you a short and bitin chapter, I can't recover the chapter na ginawa ko bago itong isang to kaya pahabol na itong chapter na 'to. Sana napawi ko yung pangiiwan ko sa inyo for… not so long?

I'll make bawi soon, - Nyx

B  U W A NWhere stories live. Discover now