Vhong's POV
Ngayong araw ang huling araw na masisilayan ko ang pinakamamahal ko. Ihahatid na namin siya sa kanyang huling hantungan at heto pa rin ako, inaantay na muli siyang bumalik sa aming higaan, hindi sa kabaong na ngayo'y kanyang kinalalagyan.
“Vhong, bitaw ka na…”
Pamilyar na boses ang nakapagpabagabag sa aking diwa. Mag-isa ako ngayon dito sa sasakyan dahil hindi ko kayang makita si Vice na ihatid sa kanyang bagong tirahan… ang kanyang libingan.
“Ayos na ako, kasama ko na ang anak ko”
“V-vice? Mine?” Saad ko at tuluyan nang umagos ang aking luha.
“Huwag mong isisi sa sarili mo ang mga nangyari. Wala kang kasalanan, at kahit kailan ay hindi mo naging kasalanan ang mga nangyari sa akin, sa atin”
“Pero dahil din sa akin kung bakit ka nasaktan, naging kasalanan ko ring saktan ka” Malumanay kong sabi at sinubukan siyang hawakan ngunit hindi ko magawa.
“Mahal na mahal kita kaya hindi ko makakayang hindi ka patawarin. Huwag mo nang ikulong ang sarili mo sa nakaraan mo, magkapamilya ka… doon, mas magiging masaya pa ako”
“Mas magiging masaya ako kung ikaw ang magiging ina ng mga anak ko, kung sa'yo ako bubuo ng pamilya—”
“Pero wala na ako, kaya huwag mo nang pangarapin pa ang mga imposibleng mangyari—” Pamumutol niya sa akin.
“Ikaw ang pangarap ko” Paniningit ko sa kanya. “Ang sakit mo namang pangarapin… hindi mo kayang tuparin”
Hinalikan niya ako nang ubod ng tamis ngunit pakiramdam ko'y mapait. Ang damdamin ko'y mabigat at tila hindi na saya ang kaakibat. Ang lamig ng hangin ang dumampi sa aking mga labi, hudyat na wala na talaga siya.
“Gising ka na, Vhong, huwag mo na akong hintayin… ikaw ang hihintayin ko kahit alam kong matatagalan ka pa, basta hihintayin kita”
“Bakit pa natin patatagalin—”
“Dahil alam ko… alam ko”
Liwanag.
Ayan ang tumangay kay Vice papalayo sa akin at papalapit sa itaas. Ang pangyayari ay talaga namang napakasalungat. Maayos na siya, sana ako rin. Malungkot ako, wala na siyang damdamin. Ako'y nananatili sa kalupaan, siya ay nasa kalangitan, na sa ngayo'y hindi ko pa masisilayan. Pinapagising na niya ako, sana magising din siya.
Sandali. Bakit ako gigising?
Tapik. May tumatapik sa akin na nakapagpa-alibadbad sa sistema ko. Gising na ako.
“Vhong, can you hear me?”
Napalinga ako sa aking paligid. Nakasuot ako ng lab gown, may dextrose sa kamay at literal na naghihina. Sinubukan kong tumayo ngunit masakit ang buong katawan ko at tila nanlalambot.
“You can't move, don't even try to…” panimula ni Anne
Ano ba ito? Bakit ako nakaganito?
“Ano bang meron? Bakit ako nandidito?”
“You don't remember anything?”
“Magtatanong ba ako kung alam ko?” pamimilosopo ko
“Okay! Chill, dude! You've got into a fight… with that guy na hindi ko alam yung name kasi naka-mask siya”
“Sinong lalaki?”
YOU ARE READING
B U W A N
FanfictionA Vhoice story that contains breakups, pain and cruelty in a relationship that used to be all about love and looking at each other. Will you face the dare? Or would you rather ignore the truth when it comes to your loved ones? -includes sensitive wo...