Chapter 8 | Juliet

134 7 6
                                    

Vhong's POV

Napagdesisyunan kong huwag ipaalam kay Vice ang tungkol sa liham na nabasa ko. Agad ko itong ginasungot it pinagpupunit bago itapon sa basurahan sa labas ng pintuan ng bahay. Pagpasok ko ay nakita kong nakatingin sa'kin si Vice.

Kalma self, hinga muna

"Ano yun, Vhong?" Tanong niya sa'kin

Shet, anong isasagot ko?

"Ahh, yun ba? W-wala yun, Mine," pagsisinungaling ko

Ano ba, Vhong! Hindi ka magaling nagsinungaling

"Sure ka? Bakit may nag-doorbell?"

Paano mo na lulusutan 'to Navarro?

Napabuntong hininga ako. "Wala talaga yun, Mine. Huwag mo nang isipin baka mastress ka pa, diba masama yun sa'yo?,"

"True rin naman, sige na. Aakyat na muna ako ha? Inaantok na rin kasi ako, sunod ka na lang sa taas," ani niya

Thank you Lord!

"S-sige, Mine. Susunod ako, aayusin ko lang 'tong mga kalat dito"

Nginitian na lang niya ako na pahiwatig para um-oo.

Nagligpit na ako rito sa baba bago tuluyang tumaas. Habang paakyat ng hagdan ay hindi maalis sa utak ko ang text message pati na rin yung sulat kanina. Nakaramdam ako ng sobrang kaba bago tuluyang makarating sa kwarto ni Vice.





---





Binuksan ko na ang pinto at nakita ko namang wala si Vice rito.

Nagtungo ako kaagad sa cr para alamin kung nandoon ba siya.

"Mine? Okay ka lang ba d'yan? Paguusisa ko

Walang Vice na sumagot sa akin kaya nagdesisyon na akong pasukin ang banyo.

"Mine? Mine?...,"

Wala si Vice rito. Nasaan yun?

Nagtungo naman ako sa ibang silid ng bahay na 'to pero wala talaga si Vice.

"Vice! Nasaan ka?" Tarantang tanong ko

Hinalughog ko na ang lahat ng kwarto sa taas pero wala talaga si Vice.

"Vice! Nasaan k---

Pinutol ako ng isang tawag sa telepono. Kinuha ki naman ito at kaagad na sinagot.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko

"Hindi na importante. Isipin na lang natin na... ako yung ahas sa eksena nina Adam and Eve tapos... hawak ko si Eve at hindi na siya makikita ulit ni Adam"

May voice changer yung tumawag, may malalim na effect ang boses niya.

"Hayop ka! Kung sino ka man! 'Wag na 'wag mong gagalawin si Vice kung hindi, makikita mo ang hinahanap mo!"

"Huh? Natakot ako... Tingnan natin, kung makakasama mo pa ulit ang minamahal mong... Viceral...,"

"'Wag mong saktan si Vice, para mo nang awa! Sino ka ba? Ano bang kailangan mo?!"

"Tsaka na... Hayaan mo muna akong... Pasayahin ang minamahal mo. Hindi naman ikaw ang tatay diba?"

Diyos ko po, maawa naman kayo.

"Subukan mo lang na dampian ng kahit na anong parte ng katawan mo ang mahal ko! Isinusumpa kong hindi ka na aabutin ng isa pang oras na hayop ka!" Saad ko habang ang mga luha ko ay agos na ng agos

B  U W A NWhere stories live. Discover now