1 week later...
Vice's POV
Naandito ako sa bahay ko ngayon, specifically sa kwarto ko. Nagpapahinga ako rito dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan at ng buong sistema ko. Hindi pa makabisita sina Anne at ang iba pa naming kaibigan dahil sa show, maliban kay Vhong. Siya ang nagbabantay sa akin ngayon dahil naiilang ako sa set up na ginawa ni Coco para sa akin at may ibang agenda rin naman si Ronel kaya pinauwi ko na lang siya.
Ninanamnam ko ang katahimikan ng paligid hanggang sa may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.
"Pasok..."
Hindi ito naka-lock kaya binuksan na niya agad ito. Iniluwa naman nito si Vhong na may dalang pagkain. Hindi pa rin kasi ako kumakain magmula kaninang umaga dahil wala ako sa mood hanggang ngayon.
"Hindi ka pa raw kumakain sabi nina Buern?" tanong niya.
"Busog pa naman kasi ako, di ko rin trip kumain ngayon"
"Kailangan mong kumain, kahit konti lang. Tingnan mo ohh, nangangayayat ka na"
Mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan dahil may dala siyang pares. Paborito naming kainin yun noon, nung hindi pa kami nanlalamig sa isa't isa. May kung ano sa sistema ko ang gustong yumakap sa kanya kaya naman ibinuka ko ang mga braso ko dahilan para yakapin niya ako.
"I'm sorry... sorry, Vhong..." ani ko
"Kung nagsosorry ka dahil sa hindi mo pagkain kanina... okay lang, basta kakain ka ngayon ha?"
Kumalas ako sa yakap at tinitigan ko siya sa mukha na ngayon ay may nangingilid na ring luha sa mga mata niya.
"Hindi... sorry sa abala. Dumagdag pa ako sa mga problema mo, kaya sorry"
Napayuko na lang ako at doon na humagulgol. Hinawakan niya naman ang pisngi ko at iniharap sa kanya.
"Eto ang tandaan mo... Hindi ka naging sagabal kailanman pagdating sa'kin. Kahit kailan... hindi ko inisip na poproblemahin kita kaya wag mo rin sanang isipin na problema ka, ha? Mahal kita, kaya gagawin ko 'to. Alang-alang sa buhay mo, para sa'yo... magbabago ako. Isusugal ko ang lahat ng kaya ko, isasakripisyo ko kung anong meron ako... para yun sa'yo. Sa'yo lang yun... dahil ikaw lang ang meron ako, at ikaw lang ang buhay ko"
"P-paano... paano kung hindi na 'ko gumaling, Vhong? P-paano kung bilang na ang mga oras ko?"
"Shh, shh... gagaling ka. Ipinapangako ko sa'yo, gagaling ka. Lahat ng paraan na meron, tatayaan ko... hindi ako hihindi, pagdating sa kapakanan mo. Mahal kita, at yun ang totoo"
"Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng 'yon. Hindi ko na kasi masusuklian yan... iiwan lang naman kita ehh, mawawala na ako..."
"Hindi, Vice. Hindi... H-hindi kita sinusukuan, hindi ka namin susukuan kaya wag mo rin sanang sukuan ang sarili mo"
"E-eto na yun ehh... matatahimik na 'ko, Vhong. Makukuha ko na yung kalayaang gusto ko at maibibigay ko na yun sa'yo. Kinulong kita sa bartolina ng pag-ibig ko... naduwag akong ipaglaban ka, kaya itigil mo na yang luha mo at maghanap ka ng taong hindi ka sasaktan"
"Hindi ko na kailangan maghanap kasi ikaw lang yung kailangan ko... binigay ka sa'kin ng Maykapal, kaya hindi kita pakakawalan. Pangako, hindi ako aalis... hindi kita iiwan at sana ganun din yung nararamdaman mo para sa'kin"
Humahagulgol akong yumakap sa kanya at sabay kaming humihikbi sa mga balikat ng isa't isa.
"M-may.. gusto sana akong hilingin sa'yo, Vhong" saad ko
YOU ARE READING
B U W A N
FanfictionA Vhoice story that contains breakups, pain and cruelty in a relationship that used to be all about love and looking at each other. Will you face the dare? Or would you rather ignore the truth when it comes to your loved ones? -includes sensitive wo...