Chapter Three

17 3 0
                                    

Nasa room na 'ko ngayon at busy nang nakikinig sa prof namin para sa first subject. Last night was really a shock for me. Hindi ko ni reply-an si Zach at natulog na lang ako. Ano namang I r-reply ko ro'n? Eh, hindi naman kami close. At oo, Zach pala ang nickname niya sa school, kaya naman 'yon na lang ang itinatawag ko sa kaniya. Sa utak ko nga lang.

Busy akong nag ayos ng gamit nang bigla akong nilapitan nila Rhia. Nag angat ako ng tingin at nakitang wala na pala si prof. Kaya pala nakalapit na sila sa'kin.

"Is it true?! You're in a relationship with Zach?!" She squealed loudly.

What?!

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig pero umiling pa rin sa kaniya bilang tanda na hindi iyon totoo.

"No. Where did you get that?" I asked, still dumbfounded.

"Don't deny it! Nakita namin kayo kahapon malapit sa gate, he's hugging you from the back!"

What?! Hindi 'yon 'yung nangyari! Sinalo niya ako kaya gano'n!

"No, sinalo niya lang ako kaya gano'n" I said what came into my mind.

"Well, he's known na walang babaeng nakaka date kahit kailan, so that means something!" Paglalaban pa niya!

"It doesn't mean may something. Tinulungan niya lang talaga ako" pagpupumilit ko, pero masyado yata siyang pursigido.

"How can you explain this?!" She retorted.

My mouth dropped after seeing a screenshot of his following list from IG! What the hell? FBI ba 'tong mga 'to? May fandom ba siya at parang big deal ang pag follow niya sa isang tao?!

"Well, he just followed me. Walang issue." I stated.

Umiling siya. "Nah-uh. His following list are all relatives and friends. Ang iba ay artists na lang. So, you're the first girl sa following list niya na pwedeng may something!"

Huh?! I was so confused kaya hindi ko siya masagot!

"And about the kiss!" She added.

Gosh! Ito na naman tayo sa kiss na 'yon! She look so excited about the gossip that she shouted that sentence. I felt my face heated up because of that. Napalingon ako sa buong klase at nakitang nakatingin na rin silang lahat sa amin, naghihintay sa reaksyon ko.

"That kiss was nothing!" Defensive kong sagot.

I heard my other classmates gasp. She looked at me like I've grown two heads. "That was not nothing kaya! You're the first girl na na-link sa kaniya!" Giit niya pa.

"Crystal, emergency. Now!"

Sabay sabay kaming napalingon kay Camille nang marinig namin ang sigaw niyang 'yon. Napakunot ang noo ko at tumayo na sa upuan ko, iniwan ang mga nagtatakang mukha rin ng mga kaklasi ko at nilapitan si Camille.

"What's the problem? Did something happen?" Salubong ko sa kaniya pagkalapit ko.

Hindi siya sumagot at hinila na lang ako paalis doon. Tsaka lang siya nagsalita nang naglalakad na kami sa corridor.

"Nothing. Sinabi ko lang naman 'yon because I saw you being interrogated by your classmates" she shrugged.

Napakurap kurap ako bago natawa ng kaunti. This girl, really. Well, I can't thank her enough for what she did today. Hindi ko na talaga alam ang masasabi at gagawin ko kung may sasabihin pa si Rhia. I know that she only wants gossip. But, I can't believe na aabot sa gano'n ang issue. Nakita pa talaga nila 'yung pag follow niya sa'kin sa Instagram.

"Well, tell me. May something na ba talaga?"

Napalingon ako kay Camille nang sabihin niya 'yon. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi ako makapaniwala na pati siya ay interest na malaman ang tungkol doon. Eh, wala naman talaga dapat malaman.

Love Me Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon