Nakatulala ako ngayon at nakatitig sa kisame ng kwarto ko, inaalala ang nangyari kagabi. I bit my lip as I tried to push my thoughts away.
That's the right thing to do, Crystalania!
"I'm interested in you. If that ain't obvious"
Tiningnan ko siya na may nanlalaking mata. Seryoso ba 'to?! I said I'm not dense, but hearing him say that sounds so absurd. Parang ang bilis naman? I mean, we just kissed at the bar and ta-dah! He's already interested in me?
"Really? I think, you should stop this" I said sternly.
Tinitigan niya ako. He looked stunned or something.
"Stop giving me breakfast and messaging me" sabi ko, pagkatapos ay tumayo na.
Iniwan ko siya roon at naglakad na papuntang gate. Nakita ko ang sasakyan ni Camille kaya naman malakas ang loob ko na umalis na. Nilingon ko siya bago pumasok ng kotse at nakitang nakatalikod siya sa akin, nakatayo kung saan iniwan ko siya.
"Sorry. Buti na lang, may nakita akong shortcut!" Sabi ni Camille pagpasok ko ng sasakyan.
I smiled. "It's fine. Tara na" matamlay kong sabi.
Napailing ako nang maalala na naman 'yon. That's the right thing to do! Pagkukumbinsi ko sa sarili.
Lumipas ang araw at monday na. May klase na naman. I felt excited, I don't know why. Maaga akong nagising at naligo dahil seven am ang first subject ko ngayong araw. Nasanay na 'kong hindi nag b-breakfast for the past few weeks, kaya naman hindi na 'ko nag almusal bago umalis ng bahay.
Pag-park pa lang ng sasakyan ko, agad na 'kong lumabas at naglakad papasok ng gate. May iilan pa ring tumitingin sa akin, pero nasanay na ako kaya hindi ko na pinansin pa.
"Good morning, Rhia!" I greeted because she's the one na malapit sa room door.
Napalingon siya sa'kin at napakurap kurap. "Goodmorning, Crystal" nag aalangan na bati niya.
I smiled again. Pero napawi agad ang ngiti ko nang walang makitang paper bag na nakalagay sa upuan ko.
Stupid, Crystalania! Sinabihan mo siya na tumigil na! Oh, ngayon naman na tumigil, gumaganiyan ka?!
So, that's it? Wala na. Hindi ko napansin ang messages ng kahit sino noong weekends dahil busy ako. I checked my phone and saw that his last message for me was sent last week, friday.
From: ZJSuarez
Take care! Don't forget to eat your dinner! Goodnight:)
Napabuntong hininga ako at naupo na lang sa upuan. Buong klase yata ay nakatulala ako, pero buti na lang nang tinanong ako ng prof ay nakasagot pa rin ako. I studied his lessons last week, so I knew what's the answer to his question.
"What the hell! At last, tapos na ang hell week!"
"Shet! Lumipas na ang delubyo!"
"Jusko, salamat naman!"
Dinig ko ang kaniya kaniyang hinaing ng mga kaklasi ko. Tapos na ang finals kaya naman alam kong kaniya kaniyang galaan na ang pag-aaya nila.
"Crystal, ikaw, ayaw mo bang sumama sa'min?" Paglapit ni Rhia sa'kin.
Umiling ako. "I have plans with Camille, eh"
Tumango siya at umalis na sa harap ko. Nag ayos na lang ako ng gamit bago tumayo na rin para umalis na at pumunta sa mini forest. Doon kasi ang usapan namin ni Camille.
It's almost five pm and Camille wants us to meet here. Ang usapan namin ay four, but late kami natapos kaya late din akong nakapunta dito. I was expecting na nandito na siya kaya naman nagtaka ako nang makitang wala siya roon.
BINABASA MO ANG
Love Me Series 1
RandomCrystalania Adrian Salazar is an independent woman who loves to serve justice legally and in the right way. She hates corrupt people. She hates people who blame the innocents. When she was younger, she met someone. And that person showed her how to...