"Why are you here, Leviticus? Where's Zach?" I asked, confused by his presence here.
"Just call me Levi" he smirked.
I rolled my eyes. "Yeah, yeah. So, where is he?"
His smirk grew. "Looking for him, huh?"
Hindi ako agad nakasagot dahil doon. Tinitigan ko lang siya, pinapakita na wala akong oras para sa mga kalokohan niya.
"He's busy. That's all he wants me to say to you"
What? Busy naman na sila dati pa lang, ah? Hindi ba siya makapag message man lang kahit sandali? Can't he text me and say that he's busy, so he can't see me today? Gano'n ba siya ka busy na kahit isang minuto lang ay hindi niya matigil ang ginagawa niya? Is one minute that hard to spare? Napailing ako. That sounds a bit greedy. I remember na wala nga palang valid reason para mag update siya sa'kin.
Napakurap kurap ako dahil doon. Nagsimula na ang klase, pero wala pa rin siyang paramdam sa akin. I checked my phone, expecting that there's a message coming from him. Pero wala. Natapos na ang klase at lahat lahat, pero wala pa rin.
"Tara, gusto kong mag unli wings!" Dinig kong aya ni Benj.
Nilingon nila ako kaya napatingin din ako sa kanila.
"What?" I raised my eyebrows.
"Sama ka!" They said in chorus.
Napailing ako bago tumayo. Since naisipan nila na sa malapit na lang, sumama na rin ako. And ayaw ko rin naman na mabakante ang utak ko. Baka maisip ko na naman siya. Buong araw ko na nga niyang sinakop ang isip ko, ayaw ko ng hanggang gabi pa.
"Hala, oo nga pala! Pa chismis naman, Crystal! Anong meron sa inyo ni papi Zach?!" Pakiki tsismis ni Benj.
Napatigil ako sa pagtusok ng manok nang marinig ang tanong niya. Seriously? Napabuntong hininga ako.
"Wala naman." I shrugged.
Napasinghap si Gel. "Wala?! Eh, dinadalhan ka ng breakfast at flowers everyday, tapos wala?!"
"Uy, oo nga! Siya rin 'yong nag-iiwan ng breakfast mo sa table araw araw dati pa, right?" Si mark.
"Oo nga! Ang aga aga ko nang dumadating sa room, pero hindi ko pa rin siya nahuhuli!" Pagsabat ni Riki.
Napakurap kurap ako dahil sa mga napapansin nila.
"Kailan ba nag start 'yan? Simula ba nu'ng ano... 'yung ganito?" Saad ni Rhia habang itinaas ang kamay at may ipinakita sa'ming galaw gamit ang dalawang kamay niya.
Namula ako ng husto nang ma-realize kung ano ang tinutukoy niya! Her hands were moving like they are kissing! And I knew what she meant by that.
Lumipas na naman ang buong araw na wala siyang paramdam. Kakatapos lang ng huling subject namin at halos lahat ay mukhang na drain dahil sa pa surprise recit ni prof. Narinig ko ang kaniya kaniyang reklamo nila.
"Thank you, lord! Hindi ko kinakaya si prof! Huhu" dinig kong saad ni Rhia.
Sumabat naman si Benj. "Hoy, legit! Feel ko kapag nand'yan si prof at nagpapa recit, pakiramdam ko talaga nand'yan si kamatayan sa harapan ko!"
"True naman. Si prof nga lang ang kamatayan natin!" Sabi naman ng isang classmate namin.
Sabay sabay silang nagtawanan kaya naman napangiti rin ako. Kahit na mukha na silang stress, nakuha pa rin nilang magbiruan ng ganiyan. That's why I love it here. Kapag ayaw nila sa'yo or may ayaw sila sa'yo, sasabihin nila agad. Walang halong ka plastic-an.
"Can't relate si Crystal sa mga joke natin. May photographic memory kasi si madam!" Pang aasar ng isa.
Napailing ako. "Hindi naman. Nag advance reading lang talaga ako last week." Although alam ko naman na may katotohanan din sa sinasabi niya. Thanks to my Mom and Dad, nakuha ko sa kanila ang pagiging matandain ko sa lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
Love Me Series 1
RandomCrystalania Adrian Salazar is an independent woman who loves to serve justice legally and in the right way. She hates corrupt people. She hates people who blame the innocents. When she was younger, she met someone. And that person showed her how to...