Chapter Seven

28 3 0
                                    

Nakatulala ako ngayon sa kisame ng kwarto ko. Ito na lang yata ang karamay ko sa lahat ng problema ko sa buhay. Siguro pati siya na i-stress na para sa'kin.

Naalala ko na naman ang gabing 'yon. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya roon. Ang sagot niya sa'kin ay sinabihan daw siya ni Levi na nawawala ako, kaya naman hinanap nila ako. I was really confused by that, pero napagtanto ko rin na sinabi pala ni Camille kay Levi na hindi ako ma contact at wala raw ako sa bahay kahit na maaga ang dismissal namin. She got really worried, kaya naman sinabihan niya na si Levi na sabihin kay Zach kung anong nangyari sa'kin.

Kaya naman kahit nilalagnat pa rin ng kaunti si Zach, pinilit niyang makalabas ng mansion nila at hinanap ako. Kaya pala matapos niyang sabihin 'yung huling sinabi niya, nahimatay na siya bigla. It's good that Levi came in immediately. Inuwi niya si Zach at since dala ko naman ang sasakyan ko, umuwi na rin ako.

"Okay, class dismissed."

Napakurap kurap ako matapos marinig 'yon. I was so preoccupied na hindi ko namalayang tapos na ang klase. Buti na lang, nag discuss lang si prof ngayon. Nabasa ko na rin naman 'yung lesson last week, kaya hindi naman din ako mahihirapan kung sakaling may quiz man.

"Haven't you heard? May girlfriend na raw si Zach!"

Napalingon ako kay Benj nang marinig ko 'yon sa kaniya. Iilan din sa nakarinig ang tumingin sa'kin dahil doon.

Girlfriend?

Ngumiti si Benj sa'kin na parang nahihiya. "Sorry sa pangungulit, Crystal. Hindi ako agad naniwala na wala talaga 'yung sa inyo. Maybe you two are just good friends?" Nilingon niya ulit ang ibang kaklase namin matapos niyang sabihin 'yon

I didn't even like the sound of that.

I smiled. "No worries"

Hindi ko alam kung anong meron. Pero pagkarating ko sa school, wala akong nadatnan na Zach o Levi sa labas ng room namin. After saying na he wants to court me. Wala man lang kahit text? I sighed.

"Yes! Nakita raw sila nong isang freshman kagabi! Seven something na raw ng gabi 'yon!" Napalingon ako ulit kay Benj nang marinig 'yon.

Seven? Ng gabi?

Sinulyapan ako ni Benj. "Sa harap daw ng library sila nakita. Ang description pa sa'kin is sobrang lapit daw nila sa isa't isa! Hindi niya lang nakita 'yung mukha ni girl ng buo, pero ang ganda raw ng side profile niya! Sabagay. Hindi naman siguro pipili ng... you know... Si Zach."

Ang daming sinabi ni Benj, pero na stuck ako sa isang sinabi niya. Sa harap ng library! Yesterday?! Eh, ako ang kasama niya that time?! I smiled. Natutuwa kahit hindi ko alam kung bakit at para saan. Gusto ko nang sampalin ang pisngi ko dahil kung titingnan ako ng kung sino man, iisipin nila na kinikilig ako... Wait... Hindi kaya... kinikilig ako? Pero para saan? Wala namang nakakakilig doon. And I think that feeling is not in my vocabulary.

"Hala! Grabe naman!"

Sabay sabay kaming nagulat dahil sa biglaang sigawan sa labas. Hindi naman ako mahilig sumali sa mga ganiyan kaya hindi ko na pinansin. Pero ang iba sa classmates ko ay sabay sabay na tumayo at lumabas para tingnan kung ano ang nangyayari sa pangunguna ni Rhia at Benj.

Nagugutom na 'ko.

Nag-ayos na lang ako ng gamit para makalabas na. Wala na rin naman kaming next subject, last na si ma'am Castro kanina.

Busy akong nag-aayos ng gamit nang marinig ko ang singhapan ng mga kasama ko sa room. Napakunot ang noo ko at tiningnan sila, nakita kong nakatitig sila sa likuran ko kaya tinapos ko na ang pag-aayos ng gamit bago sila ulit nilingon. Nakatingin pa rin sila sa likuran ko kaya nilingon ko na rin ito.

Love Me Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon