Chapter Eight

26 0 0
                                    

"Kamusta ka na, Abi?" Zach asked in a soft tone.

I thought, he was the nonchalant type of guy. People are saying that he's 'masungit' and rude. But no. I think that those things are just rumors.

Tinitigan ko siya. Nakaluhod siya ngayon habang kausap ang ang isang batang babae sa harapan niya. The kid is pretty, I can say. She look so soft. Nakatitig siya kay Zach habang nagsasalita ito. I can almost see the amazement in her eyes.

Nasa isang orphanage kami ngayon na matagal nang binibisita ni Zach. I didn't know he was fond of kids. Nakita ko kasi kung paano niya tratuhin ang mga bata. He's like a different person when it comes to kids. There's so much more about him that I needed to know.

"Okay lang po ako, kuya Zach! Kalaro ko nga po si ate Pauli kanina! Tinatanong niya nga po kung pupunta ka raw po ba!" Kwento niya habang nakangisi kay Zach.

Ate who? I raised my brows.

Nakita kong napasulyap sa'kin si Zach bago ngumiti kay Abi. "Hmm? I'm here for you, Abi. May ipapakilala ako sa'yo." Ani niya pagkatapos ay inilahad sa akin ang kanang kamay niya.

Lumapit ako sa kaniya na may nagtatanong na mata. He wants Abi to meet me? Nalipat sa'kin ang tingin ni Abi. Ang kuryosong mata niya ay nagpalipat lipat sa'ming dalawa ng kuya Zach niya.

"Abi, this is your ate Crystal," he looked at Abi and smiled softly. "Kasintahan ko." Pagkatapos ay nilingon niya ako.

Napaawang ang bibig ko.

Kasintahan? I blushed. Kinunot ko ang noo ko kahit na alam kong hulata sa mukha ko ang pagkapula nito.

He's still courting me! Kasintahan? Isn't that a filipino word for girlfriend? But I can't deny, it sounds really sweet.

"Kuya?" Napakurap kurap si Abi. "S-siya na po ba 'yung sinasabi niyo sa'kin dati?" Maang niya 'kong tiningnan.

Nagtaka ako. Sinasabi dati?

I saw Zach smiled. "Yes. Siya."

"Hi, ate Crystal" Abi said softly.

I smiled at her. "Hi, Abi!" Lumuhod din ako gaya ni Zach para magpantay ang tingin namin ng bata.

It's already lunch time and the kids around us are already eating. Kausap ni Zach ngayon ang isang madre na isa sa mga nagbabantay sa mga bata. Tinitigan ko lang siya at nakitang lumingon siya sa'kin bago tumingin ulit sa kausap niya at nakangiting nagsalita.

Napanguso ako. What are they talking about?

Busy akong nanonood sa kanila nang biglang bumunggo sa akin ang isang bata. Muntik na 'kong mawala sa balanse pero napaayos naman ako agad dahil nag-alala ako bigla sa bata.

"Are you okay?" I asked the boy, he looks like he's around five or six.

Inangat niya ang tingin sa'kin bago ngumiti. Nakita ko tuloy ang ngipin niya. Napangiti ako. Kulang ng isa sa gitna. "Okay lang po, ate ganda!" He smiled widely again.

I chuckled.

"What's your name?" Pinagmasdan ko ang bata sa harapan ko.

"Jude po!" Maligaya niyang pakilala sa akin.

Jude? Isn't that Zach's second name? I smiled inwardly.

In my peripheral vision, I saw him turned to look at us. "Ate, ang ganda mo po! Paglaki ko, gusto ko po kayong maging girlfriend!" Namumula niyang sabi.

Pakiramdam ko ay marami ang nakarinig dahil medyo malakas ang pagkakasabi niya no'n.

Naramdaman ko si Zach sa likuran ko  ngunit hindi ko na siya nilingon pa at nginitian ulit ang bata sa harapan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon